Meetup 33

1.1K 33 2
                                    

Meetup 33: Going back.
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 30,2015

(Nike's POV)

Ilang araw nalang PA fest na. Babalik na nga pala ang barkada sa Pilipinas. Mami-miss ko sila. Andito kami sa Gwangalli beach dito sa Busan. Sabi nila maganda daw dito.

Walang ni-isa sa amin ang trip maligo ng beach ngayon. Winter na eh. Mukhang ice yung tubig. Teka. Sino nga ba nagsabi sa amin na dito kami sa beach magf-farewell party? Lol. "Ang lamig ng dagat at ang lamig ng hangin." Sabi ni Artemis.

"Hindi nasanay katawan ko sa tubig dagat nila dito. Grabe. Sobrang lamig." Sabi naman ni Zeus. "I can't swim with those cold winds and also...cold water." Sabi ni Athena. Ako naman nanonood lang sa kanila. Tinawanan ko naman sila. "Sino ba kasi nagsabi na dito tayo mag b-bonding?" tanong ko.

"Si Loki?" Sagot ni Poseidon. Ang tae talaga ni Loki. Bale, ilang araw na kaming hindi nagpapansinan. Ayoko na sa kanya. Wala siyang kwenta. Tae siya. Si Irene naman, napatawad na niya ang barkada kaya nga pumayag siya eh na sumama ako sa kanila ngayon. Si Yuki at Cherry naman, kakontsaba nila si Johnny which is kakontsaba din nila Athena para mag kita kami in a BWISIT surprise way.

"Ang putspa naman talaga nung Loki na iyon." Sabi ko. "Nike, mahal mo ba si Loki?" Tanong ni Artemis.

Nanlaki naman ang mga mata. "Hindi 'no! Ang tae nga nun eh. Pahirap sa buhay." Sagot ko. "E bakit sabi niya...kayo na daw?" Sabi na naman ni Artemis. Tumango-tango naman ang barkada. "Hindi iyon totoo. Ginu-good time lang kayo ni Loki." Sagot ko. "Tulugu?" Tanong ulit ni Artemis.

"Oo nga! Bakit ba sa akin napunta yung topic?" Tanong ko. "Nike, masaya ka na ba dito?" Dagdag pa na tanong ni Zeus. Hayyy. Nakakainis. "Oo, pero syempre hindi kumpleto yung saya na nararamdaman ko dito dahil wala kayo. Pero kahit papaano eto...masaya naman." Sagot ko.

"Nike, sobra ka naming na-miss. Gusto ko this christmas eh makadalaw uli kami dito." Sabi naman ni Airi. Kanina pa 'to tahimik ah. Teka. Ganun naman talaga siya eh. "Oo nga. Pero sana Nike, we wish na you will gonna totally move on na from what my little brother did to you and also you will be able to find your mr.right." sabi naman ni Athena.

"Ang tae mo, Athena. Mr. Right? Ang korni nun." Sabi ko naman. Natawa sila. "E bakit niyo ba idinidiin na hindi pa ako naka-move on kay Nikko? Eto ako oh! Sobrang ngumingiti na! Totoo na yung mga ngiti't tawa ko. Kaya ano ba ang problema niyo?" Tanong ko.

"Base on our observation, Nike eh hindi ka pa talaga totoong nakaka-move on." Sabi ni Apollo. "Taray ah. Education lang kinuha mong course tapos makapagsabi ka diyan para kang genius." Sabi ko.

"Naka-move on na talaga ko. Promise. Mawala man ang brief ni Batman at Superman." Sabi ko. Napa-sigh naman sila. Pero paano nga noh na hindi pa talaga ako nakaka-move on? Pero para naman sa sarili ko...talagang nakalimutan ko na siya. Thanks to S10 pati ang barkada.

"Yung topic na naman ay kina-Apollo at Artemis, so ano?" Sabi ko nang kinikilig. Nagholding hands naman yung dalawa. "Strong relationship ang meron kami." Sabi naman ni Apollo tas hinalikan ang kamay ni Artemis. Eto naman si Artemis kunwari pa.

"Baka naman Apollo marami ka na palang nilalandi doon sa university mo." Sabi ni Artemis sa boyfriend niya. "Wala. Promise. Ik4w L4ng sxh4p4t na." Ay putspa. Ang jeje.

"Yuckkkkk." Sabi naman ni Athena at Zeus. "So kayo, paano na kayo?" Tanong ko. "I hate him." Sabi ni Athena. "I love her." Sabi naman ni Zeus. Ang sarap atang itapon ni Athena sa dagat?

"Athena, sagutin mo na kasi si Zeus." Sabi ko. "Sige ka, aalis kayo dito na may dala-dala akong sama ng loob sa'yo." Sabi ko. "FINE! Okay Zeus. Tayo na."

Loading...

Processing...

Loading...

Processing...

Loading...

"AS IN?!" Napasigaw kong tanong. Nanlaki naman mga mata ni Zeus. "Oo na nga! What do you want pa ba ha?" Sabi ni Athena. Niyakap naman siya ni Zeus. "I LOVE YOU ATHENA!" Sigaw ni Zeus. "I love you too." Sagot naman ni Athena. Awieee. So sila na. Jusko.

"Congrats." Nakangiting sabi ni Airi sa kanila. "Oh sige na. Kayo na may love life. Teka, Airi. Kamusta na kayo ni Jeremy?" Sabi ko. Hindi naman mapakali si Airi. "A-ano k-kasi. A-actually a-ano...k-kasi a-ano--"

"Ok. Huwag na. Ikaw naman Poseidon. So, kamusta naman yung nililigawan mo?" Tanong ko. Ngumiti naman siye pero yung mapait na ngiti. "Busted siya! Ahahahaha!" Sabay turo ni Zeus kay Poseidon. "Ok lang iyan Poseidon, may forever pa para sa iyo." Sabi naman ni Apollo.

"Walang poreber. Urul." Sabi ko. "Inggit ka lang." Sabi ni Artemis tas dinilaan ako. Aba.

"Oo na! Kayo na! KAYO NA ANG MAY LOVE LIFE! Putspa. Mamatay kayo!" Sigaw ko. Tinawanan naman nila ako. "May Loki ka naman eh." Sabi ni Apollo. "Ayoko sa kanya. Tae." Sabi ko naman. "Choosy ka pa teh?" Komento ni Artemis.

"Look...Loki is handsome, hot, smart and talented so what pa are you looking for?" Galing talaga ni Athena mag salita. Woohhh~ "Basta, ayoko sa kanya." Sabi ko. Napa-sigh naman sila.

"E di wow."

"Lakas naman nang energy ng wow mo ah." Sabi ko kay Artemis. "Eh si Nikko? Hindi ka ba magtatanong tungkol sa kanya?" Tanong ni Apollo.

Pinalo naman siya ni Artemis. "Sige nga. Mag kwento nga kayo tungkol sa kanya." Tamad kong tanong sa kanila. "Sila pa rin ni Aphrodite kahit nakunan siya. Going strong sila besh." Sabi ni Artemis.

"K." Sabi ko. "Ayy, bitter?" Tanong ni Poseidon. Teka. Kelan pa 'to natutong mag salita ng ganyan? "Gusto niyo ipatapon ko kayo sa North Korea? Nakakainis talaga kayo! Ilang beses ko bang uulitin na NAKA-MOVE ON NA AKO."

"Talaga? Mukhang hindi kasi eh." Sabi ni Apollo. Dinilaan ko nalang sila. Barkada nga naman. Nakakainis talaga sila pero kulang life mo kapag wala sila. Sa ngayon, sa barkada... ako at si Poseidon nalang ang walang love life pero aminado ako na wala namang gusto sa akin ang ex-crush ko.

Hindi naman rin pwedeng maging kami kasi...hindi ko na siya gusto. Siguro, kung hindi umuwi ng Pilipinas nung sa book 1 si Athena e di sana baka nahulog pa loob sa akin ni Poseidon tas naging kami pa. Siya sana first boyfriend ko. Aaminin ko. Poseidon is greater than Nikko. Kahit ano ka pa mang babae, rerespetuhin ka ni Poseidon. Kahit ang panget mo at may kulangot ka sa mukha, kapag in love sa'yo 'tong si Poseidon...mamahalin ka pa din niyan.

Ganyan kabait na tao si Poseidon. Ganyan rin ang barkada. Mami-miss ko talaga sila. Sana naman makabalik na agad sila dito. Ayoko kasi bumalik ng Pilipinas. Hindi ko pa kasi taste bumalik doon eh.

One thing lang. Paano kaya kapag nagkita na kami ni Black sheep? Huehue. Lilikas talaga me papuntang North Korea!

------

Hi guys. May sasabihin lang si Otor.

WALA NA PONG OVA. Kaiyak. Masyadong magiging erps na kasi yung nobela ko kapag dinagdagan ko pa ng OVA. Maybe, ide-delete ko nalang lahat ng OVA sa book 1 at it-transfer ito sa fanfiction.net . Siguro lang naman iyan.

'Yon lang.

Arigatou much.

-Ayrenxx

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon