Meetup 46: Life saver.
Property of Momo_Ayren
Date updated: March 6,2016
(Nike's POV)
Wala siyang nagawa at umalis nalang. Hinintay ko muna siyang tuluyang makaalis pagkatapos nun ay bumigay na ang mga paa ko at napaupo na ako sa upuan. Sht lang. Napakasinungaling niya. Hinawakan naman ni Aphrodite ng mahigpit ang kamay ko. "Nike..."
"Okay lang ako, Aphrodite. 'Di ko lang maiwasang masaktan ng dahil sa napakasinungaling niya. Tngina." sabi ko habang umiiyak. Nahalata ko naman ang pag-aalala ni Aphrodite sa mga mata niya. I guess, sincere talaga this time itong si Aphrodite.
----
Umuwi nalang ako ng bahay dahil pagabi na. Mugtong-mugto ang mga mata ko. Pinagtitinginan naman ako ng mga tao sa paligid ko sa tren na sinasakyan ko. Wala na akong pakialam sa kanila. Napa-buntong hininga naman ako. Naka-check in nga pala ngayon si Aphrodite sa isang hotel dito sa Seoul. Hinatid ko siya kanina. Nagcommute lang kami kasi yun gusto niya at ngayong pauwi na ako nag commute pa rin ako. Wala lang. Trip ko lang.
Nabigla naman ako ng may isang lalaki ang tumabi sa akin. Tiningnan ko kung sino yun. Si Loki. "Hi." maikli niyang sabi. "H-Hello." sagot ko tas tumingin na sa ibang direksyon. "Nasa bubble tea shop ako kanina. Nakita ko ang mga nangyari. Break na uli kayo ...diba?"
"Oh, nakita mo naman pala eh ba't ka pa nagtatanong? Obvious naman diba? Break na uli kami for the second time. Hays." sabi ko. "Congrats." maikli niyang sambit. "Bakit?" taka kong tanong.
"Naka-graduate ka na. Hindi ka na uli tanga." sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong ibig mong sabihin?"
"Bobo. 'Di ka na nagpadala nung una. Niloko ka niya tas ngayon niloko ka lang niya uli. Tanga mo." sabi niya. "Wow. Nakakatulong. Salamat." sarkastiko kong sabi. Bwisit. Alam naman siguro niyang wala ako sa mood diba?
Di ko na siya kinausap pagkatapos nun hanggang sa dumating na kami sa kabilang estasyon ng tren. Kailangan ko nang bumaba. "Nike, wait." pinigilan ako ni Loki. "Oh, bakit?" tanong ko. Hinablot naman niya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa upuan doon sa tren kung saan ako nakaupo kanina. "Teka. Sisira na yung pintuan ng tren oh! Bitawan mo nga ako, Loki!" pagpupumiglas ko pero masyado siyang malakas para maalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Loki!" sigaw ko pa. Tumayo naman siya bigla at nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko dun dahil hindi ko yun ine-expect.
"S-saranghae." sabi ni Loki. "Huh?" tanong ko. Ano nga ibig sabihin ng saranghae? Familiar siya eh. Saranghae? Ano nga yun? "Saranghae. Saranghabnida. Saranghaeyo. That korean words have the same meaning." sabi niya. "Ano naman yun?" tanong ko. Nabigla naman ako ng hinalikan niya ako sa labi ng saglit. "That means...I love you." he said that sincerely. Nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Say speechless?
Tngina.
"Loki, tama na. Wala ako sa mood para diyan sa ...laro mo. I quit the game." sabi ko. "No. Don't quit." sabi niya. "At bakit naman?"
"I lose the game. You won. I-I realized that...I love you." sabi niya. Nabigla naman ako dun. "Loki. Ayoko na uli makarinig ng mga kasinungalingan. Ayoko na. Punong-puno na ako. Can you stop telling lies? All of you exactly. Please, I don't want to hear those fcking lies anymore. Pagod na pagod na ako. You love me? Then, Fck you." sabi ko tas nag-middle finger kay Loki at tuluyan ng umalis ng tren. Buti nga at
naabutan ko pa yung pintuan ng tren na nakabukas pa. Naiiyak ako.
Puro nalang kasinungalingan. Wala na ba silang masasabi na mga salita na puro katotohanan? Yung walang halong joke joke at pagsisinungaling? Wala na ba? Pinagbabawal bang magsabi ng totoo? Bwisit.
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...