Meetup 45: Lie again.
Property of Momo_Ayren
Date updated: February 08,2016
(Nike's POV)
That kiss was so magical. He slowly gets away his lips on mine. No, please.
"I...Love you." Sabi niya. Tiningnan ko siya sa mata. Feeling ko mukhang naiiyak na siya. Ako rin. Naiiyak na. Miss na miss ko na siya. Sobrang mahal ko siya. Pwede ba, please maging kami nalang uli?
"Pano si Aphrodite? Hindi mo ba siya kasama?" Tanong ko. He chuckled. "Wala na kami."
Wala na kami...
Wala na kami...
Wala na kami...
Hindi ko naman siya mapigilang yakapin. Umiiyak na ako. "Bakit ngayon ka lang? Sobra akong naghintay sa'yo. Hiniling ko na sana mag-explain ka man lang sa akin o habang pinapanagutan mo 'yung anak niyo ni Aphrodite eh pinapanagutan mo parin ako. Bwisit lang pakinggan pero...mahal na mahal pa din kita. Bwisit ka." Sabi ko.
He chuckled again.
Niyakap naman niya ako pabalik. "I love you so much,Nike. I'm sorry for what I did. That was just a mistake. I'm sorry at naging duwag ako para ipaglaban ka kay Aphrodite. Mahal na mahal kita. Sobra." Sabi niya at hinalikan ako sa lips. This kiss was already passionate.
Nilagay niya ang isang kamay niya sa cheeks ko at inilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa batok niya. Tumagal nang 7 seconds ang kiss. "I miss you." Sabi ko habang naghahabol nang hininga. "I miss you more." Sabi niya. "So does this mean na tayo na uli?" Dagdag niya.
"Kagaya nang dati...hard to get ako, pudding. Kaya...ligawan mo muna ako." Sabi ko. Napakamot naman siya nang batok. "Sige na nga basta, sagutin mo'ko agad ah." Sabi niya. Napatawa naman ako dun. Ang pudding ko talaga. Napaka-desperado.
Pinunasan naman niya ang mga luhang nasa pisngi ko pa. "I love you.." sabi niya. Napangiti naman ako dun.
--
Lumipas ang tatlong linggo at ayun, sinagot ko na nga siya at sobrang saya ko sa naging desisyon kong tanggapin ko uli siya sa buhay ko. Mahal na mahal ko talaga 'tong si Nikko eh. Siya na ata poreber ko. Ako, nahanap ko na poreber ko...eh ikaw? Nahanap mo na?
Nakabalik na nga pala si Loki. Naninibago ako at ramdam ko ring nanibago si Loki. Alam mo na, sweet siya sa'kin tas biglang pumasok sa scene si Pudding tas magiging kami uli kasi mahal ko pa pala siya.
Hindi sang-ayon sa relasyon namin si Irene at tita Michy pero kinausap nila ng masinsinan si Pudding at ayun. Pumayag na sila. Ayos na naman si Ella pero hindi na siya papasukin ng parents niya. Baka daw kasi lumala yung sakit niya pero pwede na naman daw kaming dumalaw doon.
Andito nga pala kami ni Pudding sa botanical garden. Ipinag-bake ko siya ng brownies. "Masharap." sabi niya habang ngumunguya. Napatawa naman ako. Ang cute naman ng pudding ko. Para siyang bata.
"Ang cute kyot ng pudding ko." sabi ko tas pinisil ko siya sa cheeks. Nag-pout naman siya. "Puds, hindi ako cute. Gwapo. Gwapo ako." sabi niya. Dinilaan ko naman siya. "Cute mo kaya." sabi ko. Mas lalo naman siyang nagpa-cute.
Napatawa naman ako.
"Ano ba naman 'yan!" pagmamaktol niya. "Huwag ka nga! Kaya kita mahal kasi cute ka." sabi ko. "So if I am not cute you won't love me?" tanong niya. "Of course not! Mahal kaya kita kasi...mahal kita. Wala akong mahanap na reason. Basta, mahal kita." sabi ko. Ngumiti naman siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "I love you." sabi niya at hinalikan ako sa labi.
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Ficção AdolescenteItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...