Meetup 31: Just like
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 30,2015(Nike's POV)
"ANG INGAY NIYO MGA MADAFUKAS! SINO BA KASI IYAN ELLE--" hindi na natuloy ng pinsan ko ang sasabihin ng makita niya sina Artemis. "Eh?"
Nilapitan ko naman ang pinsan ko na ngayo'y gulat na gulat sa nakikita. "Uhh...couz, kabarkada ko nga pala--"
"IREEEENEEEEEEEEEE!" sigaw ni Zeus. Eh? Magkakilala sila? "Zeus?" Nakakunot nang noo na tanong ng pinsan ko. Napa-pout naman si Zeus. "Sariwang tsinelas...gusto mo?" Sabi ng pinsan ko. Napa-hehe naman si Zeus. "LONG TIME NO SEEEEEE!" sigaw ni Artemis kay Irene.
Lumapit naman ako kina Artemis. "Takte. Wala akong nababasa sa isip niya." Sabi ni Artemis sa amin habang kumakaway kay Irene. Tumaas naman ang kilay ng pinsan ko tas nilagay niya ang dalawang kamay niya sa beywang niya. "Bakit kayo andito?" Tanong ng pinsan ko.
"We just wanted to visit--"
"Ayyy sus! Huwag mo'kong english english-an diyan, Athena. Daliii, bakit kayo andito?" Pambabara ng pinsan ko. "Gusto lang naman naming bisitahin si Nike." Sabi ni Poseidon. "Hindi mo ba kami papapasukin sa loob?" Tanong ni Apollo sa pinsan ko. "HINDI. Shooo~ Alis!"
"Grabe ka naman, Irene! Parang wala naman tayong pinagsamahan." Sabi ni Artemis. "Abnoy! Nagpakopya ka ba ng assignment sa akin noon? Ha? Nilibre niyo ba ako ng recess? Hindi naman diba? Kaya anong pinagsamahan ang pinagsasabi niyo diyan?" Tanong ng pinsan ko sa kanila. Ang taray.
Napa-sigh nalang kami. Ang pinsan ko talaga. "Oo na...oo na. Sorry at naging kuripot ako at hindi kita nalibre noong Grade 7 pa lang tayo. Sorry din kasi hindi kita napa-kopya ng mga assignments. Eh wala naman kasi akong sagot! Nangongopya lang din ako!" Sabi ni Zeus kay Irene. Ayyy ganun?
"Kahit na! Sana pinakopya mo'ko dun sa mga kinopya mo sa ibang classmates natin."
"Sorry." Maikling sabi ni Airi. "Huhuhu~ pasensya na." Sabi ni Artemis. "Oo nga." Sabi ni Apollo. "Sana you forgive us na." Sabi naman ni Athena. "Yeah. Were really sorry." Sabi naman ni Poseidon. Ayun, kalaunan napatawad din sila ng pinsan ko at pinapasok na sila sa loob. Ang bait ng pinsan ko ano? Kailangan pa talaga nilang makiusap sa kanya. Ahahaha.
Nung nakapasok na kami ay naghanda ng makakain ang pinsan ko sa kusina habang kami ng barkada ay nasa sala lang. "You're house is super duper cute." Sabi ni Athena. "I know right." Sabi ko. "Maka-'I know right' ka diyan parang alam mo lahat." Sabi ni Artemis. K.
"Kamusta ka na nga pala dito, Nike? Sabi ni Auntie Michy eh masyado ka daw'ng pinapagod ng president niyo sa S10. Ano? Resbakan natin?" Panimulang tanong ni Zeus. "Oo, pinapagod niya talaga ako. Tae. Sige. Resbakan na natin. Now na." Sabi ko at tatayo na sana kami ng pinigilan kami nina Artemis. "Gaga. Ok lang si Nike manakit dun sa presidente nila pero kayong mga nigas? HINDI PWEDE. Paano nalang kung sampahan kayo ng kaso?" sabi ni Artemis.
Tama nga siya. Pero sa pagkakaalam ko hindi naman ganung tao si Yuki. Maiintindihan naman niya yun. Ewan ko nalang kung maiintindihan niya pa kung binugbog namin siya. XD Ahahaha.
"So how are you na nga, Nike?" tanong ni Athena. "So far so good naman." Sabi ko. "E di parang KFC lang. So good~" natawa naman kami kay Zeus. Baliw talag 'tong lalaking 'to. Sarap itapon sa Han River. Ayaw ko sa Ilog Pasig. Han River nalang para sosyal. Lol.
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...