Meetup 25: S.M.I.A.W
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 14,2015(Nike's POV)
Andito kami ngayon sa bahay nila Ella. Maganda naman 'yong bahay nila. Pang modern 'yong design. Ang daming glass. Nandito kami sa kwarto ni Ella. Sobrang laki 'yon nga lang medyo baduy 'yong kwarto niya. Pagsamahin ba naman ang colors na blue, red at yellow? Masyadong makabayan ata 'tong si Ella.
"Ella, how's your relationship with Joshua?" Biglang tanong ni Cherry. Napayuko naman si Ella. Halatang tinatago niya ang mukha niya dahil sa nag blush siya. "No progress." Sabi niya.
"Owww." Sabi ko. "Why?" Tanong ni Edzel. "Did you confess to Joshua?" Tanong ko kay Ella. "Nope."
"Why?" Tanong ko. "Because he only think of me as his friend. He S.M.I.A.W." Sabi niya. Kawawang Ella.
"Uh...what is the meaning of that?"
"See Me In Another Way."
"You know what? You should confess to him. Tell him what you feel. Maybe you two have the same feelings towards each other. You should tell him now before it's too late." Sabi ni Edzel. Aba. Hugot?
(Joshua's POV)
Saturday ngayon. Nakakatamad. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Nagulat nalang ako nang nakita ko si Trixy na naka-cling kay Ivan habang nakaupo sila sa sofa. Halata naman na naiinis na si Ivan. Ahahaha. Magdusa siya! Ako kaya ang mas gwapo!
"Ivan oppa, mall tayo." Sabi ni Trixy. "Get lost." Sabi ni Ivan. "Ivannie baby naman eh! We should get along. Para naman may mabuo!"
O_____O
"HOYY TRIXY! Ang bata-bata mo pa. 'Yan na iniisip mo!" Sigaw ko. Napataas naman siya ng kilay. "Haller! Ang green minded mo naman! You're so byuntae (pervert/ green minded) Joshua! What I mean is, may mabuong pagmamahal sa puso ni Ivan para sa akin! Che!" Sigaw niya sa akin. Maka-Joshua ah. Wagas. Parang hindi naman ako mas naunang naipanganak kesa sa kanya ah.
"C'mon, Ivannie baby. Sige na." Pagbabalik ng atensyon niya kay Ivan. Tiningnan naman ako ni Ivan. He gave me are-you-gonna-let-your-bestfriend-be-with-his-nightmare look. "Sumama ka na kasi Ivan." Sabi ko. Napa-sigh naman si Ivan.
"Okay fine. I'll go with you." Sabi niya with the tone na parang no mood siya. Tumayo naman siya at pupunta na sa itaas para mag bihis. Kawawang Ivan. Dadaanan na sana niya ako ng tumigil siya. "Traitor." Sabi niya. Oo alam ko. Bwahahhaaha.
Napatawa naman ako tas dumiretso na siya papunta sa itaas. Ahahahaha. Alam kong ang sama ko pero kasalanan ko ba kung bakit napaka-gwapo ko? "Trixy, nasaan si Loki?"
"Sa condo niya."
"Ba't siya andun?" Tanong ko. "Kasi ang dami nang nagugutom sa Pilipinas. Juk. Aba ewan ko. Nainis ata 'yon sa akin. Nag-away kasi kami kagabi." Sabi niya. "Doon siya natulog?" Tanong ko.
"Aba malay ko. Baka kina Elle onnie (Ate Elle) 'yon natulog. " sagot niya. "Ayan kasi! Ang ingay mo kasi kaya naiinis sa'yo ang mga tao eh!" Sabi ko sa kanya. "Tapunan kaya kita sariwang takong? Gusto mo?" Tanong niya. Napakamot naman ako ng batok. "Bahala ka."
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...