Jiro's POV
Ang tagal naman yata ng babaeng yun?! I hate waiting. Walang mangyayari kung tutunganga lang ako dito. Kaya naisipan kong puntahan yung classroom niya at tingnan kung nandun pa ba siya o ano.
Lumapit ako sa guard para magtanong.
"Manong saan po ba ang classroom ng sophomore dito?" Tanong ko sa guard ng school nila.
"Anong section ba hijo yung classroom na hinahanap mo? Kasi dalawa yung section ng 2nd year dito hijo."
"Nakow! Sorry po manong hindi ko po naitanong sa kaibigan ko yung section niya. Pwede po bang malaman na lang kung anong building at anong floor ang classrooms ng sophomores?" Amp naman kasi! Ba't ba hindi ko naitanong yung section niya?
"Punta sa back court tapos dun ka umexit. May makikita kang sign sa building na isa doon nakalagay Building III. Isang floor lang yun. Nandoon yung dalawang classroom ng mga 2nd year." Sagot sa akin ni manong.
"A salamat po manong." Tumakbo na ako papunta dun sa classroom nila kasi sayang yung oras dahil 4:00 na. E ang alam ko 3:45 yung tapos ng klase nila. 15 minutes niya na akong pinaghihintay. E by 5:30 pinapatay na ang mga ilaw sa school nila at off limits na ang mga students dito. Except na lang kung ipapaexrend ng mga trainers for their clubs to practice pa.
Nakasalubong ko yung laging kasama ni Gail na friend niya ata.
"Uhmm excusme miss, classmate mo ba si Gail?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo.. Bakit?" Tanong niya sakin habang nakataas yung isang kilay. Ang taray naman nito =___=++
"Saan ba dito yung classroom niyo? May usapan kasi kami e. Sabi nung guard sa Bldg. III daw? Saan ba dito yun?" Tanong ko habang medyo nahihiya kasi parang ang taray niya.
"Pagkalabas mo ng covered court, yung unang building na bubungad sa'yo, yoon yung Bldg. III . Tapos yung unang classroom, yoon yung amin. Baka sakaling kailangan ka nun ngayon.. Sige una na ko ha." Nung sinabi niya yun ti-nap niya pa yung balikat ko habang nakangiti. Ano yun? Kanina nagtataray tapos ngayon bigla bumait? Weird ?__?
Tsaka anong ibig sabihin niya sa baka sakaling kailangan ako ngayon ni Gail? Amp ang gulo! Basta puntahan ko na siya. Ayoko kasi talagang pinaghihintay ang isang poging katulad ko ^__-
*takbo takbo takbo*
Ito na nga yung Bldg. III. Nakalagay sa gate e. So ito nga yun. Yung unang classroom daw na makikita ko yun na iyon. Kaya agad agad akong pumasok sa Bldg. III.
Papasok na sana ako sa classroom kaso, may narinig akong dalawang nag-uusap..
Bukas kasi yung pintuan e. Ayoko sanang makinig sa usapan kaya lang... Kilala ko ang boses na yun...
"Huwag mo nang masyadong idiin yung sarili mo.. Bilang bestfriend mo, naiintindihan kita. At masaya ako dahil masaya ka sa naging desisyon mo. Aaminin ko na minsan ang hirap din na nakasanayan na kitang makasama pero kailangan mo nang sumama lagi sa ibang tao. Kailangan kong tanggapin yun, kagaya nga ng sabi nila, the only permanent in this world is change. Ka'ya lahat ta'yo dapat mag-adjust sa mga pangyayaring we don't expect to happen. I understand Dictoj."
Tama. Boses nga iyan ni Gail..
Alam kong mali yung nakikinig sa mga usapan ng ibang tao.. Pero ayaw gumalaw ng katawan ko e..
May pumipigil na umalis na parang ipinapahiwatig na dapat kong malaman yung nangyayari sa kaniya.. Lalo na ngayong malungkot yung boses niya.
"Alam ko marami akong nagawang pagkakamali sa'yo. Marami akong pagkukulang.. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka dahil lang sa akin, doble yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam pero, paminsan nga pakiramdam ko di na tama na makaramdam ako ng ganun katinding lungkot dahil ito naman yung pinili ko. Ako ang nagdesisyon na ganito ang mangyari at hindi man lang kita tinanong.."
BINABASA MO ANG
Unwritten Notes and Wounds
RomanceThis story is about a girl who's in love with music. She writes when she's extremely happy and down. She always greets with a smile on her face... Until her own best friend shattered her precious joyful heart. It all started when she turned Sophomor...