Royal Blood I:Krystal
Ayyy grabe!Monday na naman!Nakakatamad shet.Kanina pa ako sinisigawan ng nanay ko pero nakakatamad lang talagang bumaba."Hindi ka pa bababa ha?!Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo!"
"Aray ma!Masakit!" Kinurot pa ako sa braso!Tatayo na ako eh!
"Kinukulit mo pa ako kagabi na gisingin ka ng maaga kasi may gagawin ka pa tapos ayaw mo pang bumangon!" Hala oo nga pala.Hindi ko pa tapos yung project ko.Aishhh!
"Sorry na ma!Sige na maliligo na ako." Madalian na lang yung ligo ko kasi hapitan na talaga pagdating sa project.Ngayon pa naman yung pasahan.
"Oh di ka na ba kakain?" Kumuha na lang ako ng isang pirasong tinapay kasi nagmamadali na talaga ako.
"Bye ma!Love you!" Inirapan lang ako!Nagalit siguro sa akin kasi di ako kumain.
"Hala..." Ngayon pa ako dinatnan ng traffic!Ayoko na!
"Sorry ate.Nasiraan tayo." Halos hindi na ako makahinga nung marinig ko yung sinabi ni kuyang driver.
"Kuya bayad oh.Tatakbuhin ko na lang.Pampapayat na din." Nagsimula na akong tumakbo.Ilang kilometro pa ang tatakbuhin ko para lang makadating ako sa school.
Ito na malapit na ako.Ang haggard ko na masyado pero ok lang!Wala pang estudyante at wala din yung guard pero nakabukas yung gate!Hala baka may magnanakaw na nakapasok.
Pero kailangan kong makagawa ng project....pero baka may magnanakaw sa loob tapos patayin pa ako.Take note isa ito sa school na kasama sa top 10 kaya hindi na ako magugulat if meron mang magnanakaw dito.
"May tao ba diyan?!" Hala.Bakit nga pala ako sumigaw?Aishhhh!Wrong move oh!
"Krystal?" Si Yasmine lang pala yung nasa loob.Halos mamatay na ako sa kaba.
"Yasmine ikaw lang ba nasa loob?"
"Oo.Gumagawa ako ng projects since ngayon na ang pasahan."
"Projects?With s talaga?" Tumango-tango na lang siya.Isa na lang kailangan kong tapusin tapos siya madami pa?
"Sige tara na." Sa may fountain area lang kami gumawa kasi nakalock pa yung mga rooms namin kaya di kami makakapasok.
After ng mga 15 minutes sa maduguan na paggawa ng project eh natapos na ako!Pero si Yasmine hindi pa din tapos.
"Tulungan na kita." Kinuha ko yung mga ibang sasagutan niya tapos ako na yung nagsagot.
"Thankyou." Haisssttt.Paano kaya nakapasok si Yasmine dito eh napakatamad naman!
"Yassy.Saan ka ba nakatira?Para naman matulungan kita sa mga projects mo."
"Ahhh.Ano kasi....ano...hindi ko pwedeng sabihin sa iyo." Ha?Ano daw?Hindi pwedeng sabihin?Bakit?
"Ahhh.Ok." Hindi na lang ako nagtanong baka kung ano pa ang mangyari.For safety lang siguro ng family nila kaya ayaw niyang sabihin.
"Tapos ka na ba?" Napatigil ako sa pag-iisip ko nung nagsalita si Yassy.Turo niya yung hawak kong papel.
"Ahhh oo.Tinapos ko na." Binigay ko kaagad sa kanya yung papel.Malapit ng magka-araw.Hindi pa tapos si Yassy sa projects niya. "Una na ako ha?Mag rereview pa ako." Kumaway na lang siya sa akin.Buti na lang bukas na lahat ng classrooms.Wala naman akong magawa kasi mag-isa lang ako dito.
Dahil diyan,magpapakilala muna ako.
Krystal Bliss Garcia is my full name.Sosyal lang yung pangalan ko pero mahirap talaga kami.Kaka-17 ko lang last month.Scholar ako sa Royal Blood University.One of the best universities sa buong mundo.Mahal tuition dito kaya hindi ganun kadaling makapasok dito.Walang masyadong scholars dito kasi masyadong mataas ang standards ng university na 'to.Nakapasok lang ako dito kasi nakapasa ako sa exam na binigay nila.
"Ughhh.Kadiri naman.Bakit kasi may poorita dito?!" Ang dami na palang tao.Siyempre kasama na dun yung mga haters ko na hindi mukhang tao.
"Hoy pag gawa mo nga ako ng project." Siyempre hindi ko pinapansin yung mga ganyan.Sobra na sila eh.Kung makapag-utos naman eh. "Hoy naririnig mo ba ako?"
"....." MANIGAS KA KAKAUSAP!
"SABI KO IPAG GAWA MO AKO NG PROJECT!" Napabuntong hininga na lang ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero lintik lang talaga!Hindi ko na kaya!
"Tigilan mo ako please.Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag nagkataon." Mahina ang pagkakasabi ko pero may diin sa lahat ng salita na binibitawan ko.Buti naman at di na ako kinulit.Dumating na yung prof namin.Nagturo siya pero di ako nakinig dahil sobrang boring niya magturo.
"Get a sheet of paper,crosswise." Buti na lang nagbasa ako.
"Ano sagot sa 6?" Yan nagsisimula na naman sila.Madalas yan sa amin pag oras ng quiz or exam.
"Ok.Pass your papers forward." Natapos na din yung isang subject yes!Maglalakad na naman ako!
"Wahhhh ang gwapo!" Anong meron ba?Ang daming nagsisiksikan na mga estudyante sa daan.
"Kylerrrr!Kyahhhh akin ka na lang!" Sakto ko namang nakita si Yassy kaya pinuntahan ko siya.
"Yassy anong meron?" Napatingin siya sa akin.Nakikisigaw din pala siya.Hinila niya ako papunta sa walang masyadong tao.
"Kasi nandito na yung KINGS." Hala ano daw?Kings?
"Huh?" Tumawa muna siya dahil sa kilig bago siya nagsalita ulit.
"Popular na group kasi yung KINGS.Yung mga lalaking nakaitim...sila yun." Tinuro niya yung isang lalaking brown yung buhok na may half na bangs na chinito. "Si Kyler yun."
"Ahhh." Ako.
"Yung lalaking yun na kulay gray na may black yung buhok,si Ian yun."
"Tapos?"
"Yung may brown na buhok na medyo messy.Yan yung leader nila sa grupo.Si Nate short for Nathan."
"Ohhhh."
"Yung naman may black na buhok tapos bag sa side at nakasuot ng salamin,si Gavin yun.Masipag siyang mag-aral di katulad nung iba niyang kasama."
"Yung huli?"
"Ahhh yung may rose sa kamay tapos red yung buhok.Yan yung pinaka playboy sa group pero sweet.Si Slade."
"Yun lang?"
"Kung mapapansin mo yung mga first letter sa names nila mabubuo nila yung KINGS.Well pati din naman sa paglalakad nila nakaayos sila."Tumango na lang ako ng tumango.
"Sige bye na Yassy!" Pumunta na ako sa second subject ko.Malapit ng mag time nung dumating ako sa room.Umupo ako dun sa katabi ng bintana tapos tumingin lang ako sa labas.
'Kung nasaan ka man pa,sana masaya ka.Sorry kung di ka namin nabibisita pero wag kang mag-alala.Pupuntahan kita diyan.Dadalhan pa kita ng paborito mong bulaklak.'
~CONTINUED~

BINABASA MO ANG
Royal Blood
Teen FictionEverything is unexpected.... Then KINGS came... Everything is planned from the start. This is the story of royalty in mafia world... (Language:Tagalog)