XXII-A Big Mistake

60 4 1
                                    

Royal Blood XXII:Ian
"Ian!Ian!What's up?!" Niyakap ako ni Kyler.

"Welcome sa bago kong buhay.Kung saan wala yung selfish kong magulang." Umupo ako at binuksan yung tv.

"Ganda ng bahay mo.Pero paano ka?Wala ka ng pera." Tinapik ko si Kyler na katabi ko.

"Wag kang mag-alala.Hindi naman ako tanga para umalis na walang pera.Galawang gwapo kumbaga." Makinig kayo sa akin kasi gwapo ako,wala akong katulad.Bago ako makarating dito eh kinuha ko lahat ng pera ko sa bank account ko.

"Teka lang nga.Bakit ang tagal nung tatlong ugok?" Napakibit-balikat na lang ako.

"Ian.Kyler." Nakss!Kaya pala matagal ang tatlo!Nagdala ng inumin at pagkain!

"Maraming salamat mga gago.Ihanda niyo na yan!" Utos ko sa kanila.Aba!Bahay ko to kaya tama lang na utusan ko sila.

"Gago!Ihanda mo mag-isa mo!Bisita mo kami kaya itrato mo kami ng tama!" Binatukan pa ako ni Gavin.Bwisit tong nerd na to.

"Basagin ko yang salamin mo eh!Bwisita ang tawag sa inyo mga ugok!" Tumayo na ako at nagpunta sa aking napakagandang kusina.

"Ikaw nagpapunta sa amin dito gago!" Bwisit tong si Gavin.Masyadong madaldal.

"Dalhin niyo yan dito mga gago!" Aba!Bakit wala man lang lumalapit dito?!

"Sige nood pa mga ugok!Sabing dalhin niyo yang pinamili niyo eh!" Mga nanonood pala!Ano pinapanood nila?Secret na yun.

"Mga bakla talaga kayo!" Sigaw ko sa kanila kasi masyado silang nakatutok sa pinapanood nila.

"Sinong bakla ha?!" Sabay-sabay nilang sabi.Naks naman oh!

"Kayo." Inatake nila ako kaso hawak ko ang pagkain kaya well...di sila nakapalag.

"Pasalamat ka gutom na kami." Binigay ko na sa kanila yung tray ng pagkain.

"Di ka kakain,men?" Kyler naman oh!Pero sorry na lang.Pogi ako at ayaw kong kumain.

"Ayoko.Tataba lang ako diyan sa mga pagkain na yan." Pinagtawanan nila ako.Di ko alam kung bakit.

"Hahaha!Ian masyado kang patawa!Ano ka model?Eh ang panget nga ng mukha mo!Sayang lang ang pagda-diet mo kung mukha mo basura!" Gago tong si Gavin ah!

"Eh ikaw?Mukha kang tae!Ugok!Ang baho mo!Di ka ata naliligo!" Pasensya na.Wala akong maipang-asar kay Gavin eh.Tae na lang kasi kakulay niya din.

"Tumigil na nga kayo." Dahil lang sa sinabi ni Nate kaya kami tumigil.Malakas talaga ang kapangyarihan nito.

"Opo mahal na hari.Pasensya na." Sabi ko.Lahat sila ay napatingin sa akin dahil nakaluhod pa ako at nakatungo habang nakalahad ang kamay ko sa harap ni Nate.

"Pasensya na po mahal na hari." Sabay-sabay na sabi ng tatlo at nakaluhod din sila.Nagpipigil kami ng tawa kung alam niyo lang.

"Gago!Tumayo nga kayo!" Tumayo kaming lahat at nag-bow kay Nate.

"Masusunod po mahal na hari." Sabi ni Kyler.

"Mga ugok!Tumigil na nga kayo!" Hindi kami gumagalaw at hindi din kami humihinga ngayon.Sabi ng mahal na hari na tumigil kami kaya masusunod.

"Oh!Bakit hindi ata kayo humihinga?Huminga kayo at magsalita!" Siyempre dahil isa siyang mapanget este magiting na hari ay sinunod namina ang sinabi niya.

"Sabi niyo po kasi na tumigil kami,mahal na hari." Tumawa si Nate!Isa lang ang ibig sabihin nito!Nagkatinginan kaming apat.

"Maghubad kayo at lumabas at sabihing 'ANG GWAPO NAMIN!' ngayon na!" Nagsilayasan na kami sa tapat niya at nanood na lang ulit kami.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon