XXIV-The comeback

59 3 0
                                    

Royal Blood XXIV:Kyler
Bwisit!Naunahan ako ni Nate!Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundo,si Nate pa ang kaagaw ko kay Krystal?!

Pupunta sana ako sa bahay nina Krystal pero pagdaan ko pa lang sa park malapit sa bahay ni Krystal,alam ko ng wala na akong magagawa pa.Magkasama na sila eh.Hindi ko pa alam kung saan sila pupunta.

Wag na lang akong pumunta.Nandito na eh.Kitang-kita ko.Nag-drive na lang ako.Hindi ko alam kung saan pupunta.Sa bar na lang.Gusto kong uminom.

"Gavin pumunta ka sa bar natin,isama mo na din si Slade at Ian.Bilisan niyo." Pinutol ko na agad yung tawag.Mag-uusap na din naman kami dito.

"Isang beer nga." Magpapakalasing muna ako.Baka makalimot ako.Tngnang bet ni Gavin!Dahil sa pustahan namin,nandito ako ngayon.Wala eh.Parang ang bilis ng puso kong tumibok para kay Krystal eh di hamak na may mga sexy na mga babae at magaganda pa.Si Krystal?Simple,palaban at medyo mabait din.

"Oh Kyler,bakit?Umagang-umaga nag-iinom ka ta---" Sinuntok ko si Gavin.Medyo mahina lang,baka patulan ako eh.

"Tngna mo Gavin!Dahil sa bet mo kaya ako nagsisisi ngayon!" Narinig ko si Ian at Slade na tumatawa.Sinamaan ko sila ng tingin kaya tumahimik sila.

"Pumayag ka eh.Wala na akong magagawa." Nanlaki yung mata niya at sinuntok din ako pero mahina lang din.

"Nahulog ka ng tuluyan kay Krystal?!" Sigaw niya.Kakantyawin na ako nina Ian at Slade.Mga hayup yan eh.

"Hindi ko narinig ha!Ang hina kasi!" Sigaw ko din.Ini-straight ko na lang yung beer at um-order pa.

"Wow men!You're---" Pinutol ko yung sinsabi ni Slade at sinamaan siya ng tingin.

"Shut up.Wala ako sa mood." Naisip ko na naman sina Nate at Krystal.Bwisit!

"Sir wag niyo pong sirain yung counter table." Di ko namalayan na nakakasira na ako.Whatever.Kaya ko tong bayaran,kaya ko din bilhin tong buong bar.

"Grabe ka Kyler,pinatawag mo kami dito para lang may kasama ka." Sabat pa ni Ian.

"Pero teka lang...bakit ka naman nagsisisi?" Si Gav.Bigla naman tumawa sina Ian at Slade.Mga baliw.

"Natotorpe!" Sabay pa sila kaya sabay ko din silang binatukan.Tss.Di nila alam.

"Manahimik nga kayo!" Sigaw ko sa kanila kaya natahimik naman.Buti na lang.Wala naman tao dito sa bar maliban sa aming apat.Kaya wala akong paki kung sumigaw man ako.

"Pero bakit ka nga ba nagsisisi?" Napatingin kaming lahat sa bartender.Nakikinig pala tong hinayupak na to.Sinamaan namin siya ng tingin kaya napatikom yung bibig niya at dahan-dahang umalis.

"Oo nga men.Fvcking tell us!What happened?" Si Slade.Huminga akong malalim tsaka uminom ng beer at tinignan sila.

"Nakita ko si Nate at Krystal na magkasama.Sinundo ni Nate si Krystal.May pupuntahan ata sila at tngna!Hindi ko alam kung saan!Kapag may nangyaring masama kay Krystal...lagot sa akin si Nate!Wala na akong pa---" Pinigil ako ni Gavin.

"Dahan-dahan,pwede?" Sinuntok ko yung mukha niya.Napagod ako sa kakasalita tapos ipapaulit na naman?!

"Tngna mo ah!Ang dami kong sinabi pero ipapaulit mo na naman!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag ka ng umangal,magkwento ka na dali." Bakit ba nakikisali dito yung bartender?!Pucha naman oh!Kanina pa to!

"Pupunta sana ako sa bahay nina Krystal,pero bago ako makadating dun napadaan ako sa park malapit sa bahay nina Krystal,nakita ko silang dalawa.Malapit yung mukha sa isa't-isa.Kulang na lang maghalikan sila dun sa park.Bwisit!Alam kong may pupuntahan sila pero inuna ko ang pagba-bar at pag-inom." Uminom na lang ako ng beer at naubos ko na pala yun.Nakailang bote na ako pero di pa din sila nagsasalita.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon