Royal Blood XVI:Ian
Nandito pa ako sa Royal Blood pero wala na si Nathan,Gavin at Slade kaya malamang si Kyler na lang ang natira.Nakangisi na lumapit sa akin si Kyler.Mukha tuloy adik sa kanto.Yuck."Tara sa bar?Madaming babae dun eh." Inakbayan niya pa ako.Hindi man lang ako tinanong kung payag ba ako o hindi!Pero sige na nga!Kailangan ko din siguro to para makalimutan si Miss Villaraza.
Si Kyler na din ang nag-drive.Gamit niya yung kotse niya.Wala kasi akong kotseng dala,nasira kasi nabangga buti nga di ako masyadong nasaktan katulad nung sakit na naramdaman ko nung nalaman kong may boyfriend na si Miss Villaraza.
"Sana pala di na lang ako sumama sa iyo.Tsk." Sabi ko.Nakita ko kasi si Miss Villaraza at yung boyfriend niya na pumasok sa bar.
"Wala ka ng magagawa.Tsaka madami namang tao kaya imposibleng magkita kayo sa loob." Napatango na lang ako tsaka napag-isipan ko na tama nga si Kyler,imposibleng magkita kami.Tska crush lang yun!Masyadong malawak ang aking imahinasyon.
"Hi." Napalingon kami parehas ni Kyler sa nagsalita.Sh*t!
"Woah!Long time no see....uhmmmmm....Hayley?Jeniffer?Belinda?" Nagpipigil na lang ako ng tawa dito.Basta si Kyler kapag nakakita ng babes,pati pangalan hinuhulaan.
"It's Zelina." Sabi nung babae sabay tawa.Tsk.
"So Zelina!May kasama ka ba?" Napangiti na lang ako ng pilit nung napatingin sa akin yung babae.
"Actually yes.Kasama ko yung bestfriend ko." May bigla na lang dumating na babae.Blonde yung buhok tsaka nakasuot lang ng maikling damit.Pwe.
"Hi.I'm Tessa." Sabay ngiti.Maganda naman kaso walang respeto sa sarili.Humiwalay na lang ako kay Kyler.Bahala na siya dun sa mga babes niya.
"Sir?" Tinignan ko yung bartender.
"Give me a cider." Tinanguan lang ako nung bartender tsaka binigay na niya sa akin yung hinihingi ko.Ininom ko na lang kaagad.Halos natry ko na lahat ng inumin dito.
Medyo hilo na ako.Naitungo ko na lang ang ulo ko tsaka ko pinikit yung mata ko.
"Ian?Anong ginagawa mo dito ha?" Itinaas ko ang ulo ko tsaka tinignan yung nagsasalita pero medyo umiikot talaga yung paningin ko tsaka hindi ako makapag-isip.
"Fvck you!Ang sakit nung ginawa mo Miss Villaraza!Crush kita noon pa man pero di ka man lang tinablan ng kapogian ko.Nalaman ko pa na may boyfriend ka na!Pogi naman siya pero mas pogi ako!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinuro ko kung sino man tong nasa harap ko.
"Ganon ba ako kaliit at hindi mo ako mapansin?Ha Miss Villaraza?!Kingina lang oh!Sawang-sawa na ako kakasunod sa iyo!It was a simple crush but damn!Hindi ko maipaliwanag tong lintik na nararamdaman ko." Yun na yun.Lumabas na ako dun sa bar.Patumba-tumba akong naglakad.Since malapit lang dito ang bahay ni Slade eh dun muna ako.
*Tok tok*
Kinatok ko na yung pinto ng bahay ni Slade.Bagal naman nitong magbukas.
"Pwede bang makitulog pare?" Sabi ko.Mukhang inis siya sa akin.Kalungkot naman.
"Hindi pwede ang panget dito." Natawa na lang ako.Tumingin ba siya sa salamin?
"Hehe!Eh anong ginagawa mo dito?Diba panget ka?" Tawa tayo!Hahaha!Yeah!
"Para kang tanga diyan.Pumasok ka na nga!Bahala ka sa buhay mong magpalit ng damit!Tsaka dun ka sa isang kwarto ha!Huwag kang susuka!Babasagin ko yang mukha mo kapag sumuka ka!" Akyat na ako sa kwarto ni Slade!Hehehe!I love fafa Slade!
Hehehe!Ang bango dito!Amoy ni Slade!I love it!
"Gago ka talaga!Bakit nandito ka sa kwarto ko?!Sabi ko dun ka sa kabila diba?!" Naririnig ko pa si fafa Slade sa aking panaginip!
BINABASA MO ANG
Royal Blood
Teen FictionEverything is unexpected.... Then KINGS came... Everything is planned from the start. This is the story of royalty in mafia world... (Language:Tagalog)