Royal Blood XV:Slade
"Jade...flowers oh.Alam kong na-miss mo tong amoy at kulay ng mga bulaklak.Sorry kung ngayon lang ulit kita napuntahan.Hindi ko kasi kaya eh.Hindi ko kaya na makita kang wala sa tabi ko at nandiyan ka sa lugar kung saan hindi kita makikita at mahahawakan.Masakit sa madaling salita.Ha-Ha-ha!Nakakatawa na ang isang playboy ay umiiyak....dahil sa iyo yun Jade.Masyado akong nagiging maiyakin pagdating sa iyo." Napailing ako sabay pahid sa bawat patak ng luha ko."Alam mo ba Jade?May nanlalandi sa akin kanina.Multuhin mo nga ng matauhan.Isama mo na din diyan sa iyo.....hindi pala.Huwag mo siyang isasama sa iyo.Ihulog mo siya sa impyerno.Diba anghel ka?Kaya dapat nandiyan ka sa langit." Baliw na ako kung tatawagin.Umiiyak habang tumatawa.Wala namang tao eh.
"Sorry kung naging playboy ako at gago.Kasalanan mo kasi to eh.Bakit mo ako iniwan agad?Malay ko bang bibitiw ka agad.Eh di sana pala ako ang yumakap sa iyo.Ang tanga ko para hayaan kang ibuwis mo ang buhay mo para sa isang gagong katulad ko.Simula nung nawala ka?Yun na ata ang pinakamasaklap kong araw sa buong buhay ko.Kingina lang pero tagos sa puso eh.Dun din sa araw na yun....naranasan kong makatanggap ng masasakit na salita.Sa una...masarap pakinggan kasi simula nung bata ako lagi na lang papuri ang naririnig ko pero kingina lang ulit kasi hindi ko akalain na tuwing magkikita kami ng mga magulang mo eh halos patayin na nila ako sa mga tingin nila at lahat ng masasakit na salita eh nasabi na nila sa akin.Araw-araw kong tinanggap at pilit na kinakalimutan yun.Wala eh.Di ko din sila mapigilan kasi may respeto pa din ako sa kanila.Para bang may utang lang ako sa tindahan.Yung araw-araw na ipaaalala sa iyo kung magkano yung babayaran mo." Natawa na lang ulit ako.Nakaka-miss din pala yung pakikipag-usap sa taong matagal ng nawala.Kung kaya lang kitang buhayin eh matagal ko ng ginawa.
"Sana nga buhay ka.Matagal ko na yung iniisip kasi pagkagising ko nasa ospital na ako.Sabi lang ng mga magulang ko na wala ka na daw pero bakit ganun?Hindi man lang nila ako hinayaan na makita ka.Galit ako sa kanila Jade...sana maintindihan mo.Humiwalay na ako sa kanila.Buti na lang eh may ipon ako sa account ko kaya nakapagpatayo ako ng sariling bahay.Sanay ka na naman diba?Alam mo naman na maparaan ako.Buti nga nandito sina Kyler eh.Tinulungan nila ako.Mahal ko yung mga gago na yun kaya huwag ka ng magtaka Jade tsaka huwag ka na din magselos kasi mas mahal kita kesa sa kanila.Walang makakahigit sa iyo.Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.Kahit tumanda ako Jade.Sisiguraduhin ko na magkalapit lang tayo.Hahanapin kita diyan sa langit ha?Tandaan mo yan."
"Tsaka yung mga babae na pinupuntahan ako?Hayaan mo na yun!Di naman ako seryoso sa kanila eh!Mga pampalipas oras lang.Hehe." Medyo magaan na yung pakiramdam ko.Nailabas ko na lahat eh.Para tuloy akong bakla.Tsk.Poging bakla kung nangyari.
"Gabi na pala Jade.Sa susunod na lang ulit.Tandaan mo na mahal na mahal kita ng sobra." Tumayo na ako at pinagpag ang suot ko.Pinaharurot ko na ang kotse ko kasi nagugutom na talaga ako.
"Slade." Napatingin ako sa nagsalita.Naiyukom ko na lang ang kamay ko ng makita ko kung sino ang nagsalita.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa mga magulang ko.Oo nandito sila.Fvck.Ayoko ng ganito.
"Binibisita ka namin.Ok ka lang ba dito ha?Nagkasakit ka ba?May nanakit ba sa iyo ha?" Niyakap ako ng nanay ko pero tinanggal ko yun.Ayoko sa kanila.Ayaw kong makita sila.
"Naging maayos ang buhay ko nung humiwalay ako sa inyo." Papasok na sana ako sa bahay ng bigla akong hinigit sa braso ng tatay ko.
"Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan ang mama mo!" Napangisi na lang ako.
"Oh talaga?Bakit pa kayo pumunta dito?Alam niyo namang itinakwil niyo na ako noon pa man diba?Pumayag pa nga kayo eh.Wala kayong kwenta.Naging makasarili kayo!Lagi na lang ang sarili niyo ang iniisip niyo!Tigilan niyo na ako.I hate this sh*t!" Sinipa ko yung basurahan sa sobrang inis ko.
"Hindi totoo yan!Alam mong hindi ka namin itinakwil anak!Minahal ka namin!Kaya kami nagtratrabaho kasi gusto naming ibigay yung gusto mo."
"Gusto ko o gusto niyo?Just stop ok?Kaya kong mabuhay mag-isa ng wala kayo.Sanay na akong walang kasama simula ng mawala si Jade." Pumasok na ako sa bahay at ni-lock yung pinto.Narinig ko pa silang nag-aaway sa labas pero wala na akong paki dun.
*Ring ring*
"Hello?" Kumuha ako ng pagkain sa ref.Magluluto ako.Marunong akong magluto kaya huwag kayong ano.
"Men!Si Kyler pogi to!" Hayop!Ano daw?
"Gago!Nasobrahan ka ata sa hangin men?" Basta kapag si Kyler ang kausap ko....sumasaya ako.Masyadong bakla pakinggan pero yun talaga eh.
"Hindi naman pero seryoso kasi!" Nasa bar siguro tong gago na to.Ang ingay eh.
"Bakit ka ba napatawag?" Tanong ko.Naghihiwa ako ngayon ng carrots.Mabilis naman akong maghiwa,parang chef talaga.
"Nakita kasi namin si----"
"Hello?" Naputol kasi.Pabitin tong si Kyler.Napailing na lang ako ng ulo at ibinaba ko yung cellphone ko.
*Ring ring*
"Hello?" Sino naman to?Unknown number eh.
"Wanna have fun baby?" Fvck!Gabing-gabi na!
"Not interested." Sabi ko sabay end nung call.Kadiri bwisit.
*Tok tok*
Kinuha ko yung kitchen knife para safe.Binuksan ko yung pinto at nakita ko lang naman si Ian.Anong ginagawa nito dito?!
"Pwede bang makitulog pare?" Ang baho ng hininga!Amoy alak!Kasama siguro to ni Kyler.
Napasabunot ako sa buhok ko.Bwisit lang.Inaabala lang ako nito eh.
"Hindi pwede ang panget dito." Nakapikit lang tong gago na to habang tumatawa.
"Hehe!Eh anong ginagawa mo dito?Diba panget ka?" Lasing na talaga to!Wala na sa katinuan.
"Para kang tanga diyan.Pumasok ka na nga!Bahala ka sa buhay mong magpalit ng damit!Tsaka dun ka sa isang kwarto ha!Huwag kang susuka!Babasagin ko yang mukha mo kapag sumuka ka!" Kumain na ako ng mabilisan.Baka kung anong gawin ni Ian dun.Tanga pa naman yun.
Natapos na akong kumain tsaka nilinis ko na din.Mabilisan na akong umakyat papunta sa kwarto kung saan nandun pumunta si Ian pero walangya!Di ko siya makita!Pumunta ako sa kwarto ko at nakita ko siya na nakahiga dun sa kama ko.
"Gago ka talaga!Bakit nandito ka sa kwarto ko?!Sabi ko dun ka sa kabila diba?!" Wala bagsak na talaga.Bwisit na nakikitulog to.
Nilagay ko yung braso niya sa balikat ko at binuhat siya at binalibag hehe joke lang.Inalalayan ko siya papunta sa kabilang kwarto tapos binagsak ko na lang siya sa kama.Pahirap talaga tong ugok na to.
"Miss Villaraza!Bakit?!Ang sakit!Sobra!" Sinara ko yung pinto tsaka ako humagalpak ng tawa.Sira na talaga ang ulo nitong si Ian hahaha!Pati gurang pinapatulan!Kadiri!
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.Kinuha ko yung picture naming dalawa ni Jade.Napangiti na lang ako.Hindi talaga magbabago yung feelings ko for her.
You're always with me Jade.I always see your smile,hear your laugh,feel your love.Living with you is like a fairytale because you always make me smile.You always care for me.
But now it's different.....I'm living without you,Jade.
~Continued~
A/N:Update for you guys again.Medyo maikli kaya sorry talaga.Feeling so tired but happy.Mehehehe.

BINABASA MO ANG
Royal Blood
Teen FictionEverything is unexpected.... Then KINGS came... Everything is planned from the start. This is the story of royalty in mafia world... (Language:Tagalog)