XX-Dreaming

63 3 0
                                    

Royal Blood XX:Krystal
Nandito na ako....ulit.Sa bahay kung saan ako lumaki at nakasama si papa sa napakaraming taon.Maayos pa din naman kaso yung saya dito sa bahay?Di ko maramdaman.

"Bliss tulungan mo ako dito bilis!" Pinuntahan ko na agad si mama.Nasa kwarto siya....

ni Papa.

"Ma...." Tumingin siya sa akin.Bwisit!Hindi ako pwedeng umiyak ngayon ano!

"Mamaya ka na magdrama!Tulungan mo muna ako dito!" Binatukan pa ako.Si mama talaga.

"Ma naman eh!Kaya mo na yan!" Sinamaan niya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa kundi tulungan siya.Parehas namin ibinaba yung kahon na mabigat.

"Ito.Nandito lahat ng mga sikreto namin ng papa mo tsaka yung mga memories." May kinuha si mama na album at binigay niya sa akin.

"Ano gagawin ko dito?" Sinamaan ako ni mama ng tingin.

"Hampas mo sa mukha mo." Cold niyang sabi.

"Ang brutal mo talaga mama." Tumayo siya tsaka lumabas ng kwarto ni papa.

"Ikaw na bahala diyan." Tinanguan ko lang si mama.Alam ko naman ang gusto niya.Gusto niyang malaman ko lahat.

Huminga muna ako ng malalim tsaka ko binuksan yung album.Unang bumungad sa akin ang picture nina mama at papa.Sunod yung picture na madami sila at may nakasulat na 'Reticent Luna' sa baba.

Ang dami nila.Nakita ko si papa na nasa harapan at nandun si Cabrera at si Lucas.Pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang limang lalaki na nakaakbay kay papa.Siguro kaibigan to ni papa.

Kinuha ko yung picture at hinanap ko si mama.

"Ma sino sila?" Tanong ko kay mama nung makita ko siyang nagluluto.

"Ahhh.Kaibigan sila ng papa mo.Kaso nung mangyari yung alam mo na.Di ko na sila nakita." Tumango na lang ako.May kinalaman ba sila sa pagkamatay ni papa?

"Ma itatabi ko lang to ah?Sigawan mo na lang ako kapag kakain na tayo." Tinanguan lang ako ni mama.

Malinis at maayos tong bahay pero yung kwarto ni papa hindi.Ako na lang ang maglilinis nun at sisimulan ko na ngayon.

"Fighting." Bulong ko sa sarili ko.Ang laki kaya ng kwarto ni papa.Remember?Mansion tong bahay namin kaya malaki.

Nag-play muna ako ng music at tinali yung buhok ko.Then time na parang maglinis.Ang weird ba?Gabi na kasi ngayon.Medyo pagod din kami ni mama pero well,ok kami.Para lang kaming nag-training.First time ko din nakitang lumaban si mama.

"KRYSTAL BLISS GARCIA!!!" Bumaba agad ako sa sigaw ni mama.

"Ma naman!Todo naman kayo kung makasigaw.Problema niyo ba?" Sinamaan niya ako ng tingin tsaka siya umupo.

"Sabi mo sigawan kita kapag kakain na?Yun na yun." Tinignan ko lang si mama.

"Yung sigaw mo halos mapantig na yung tenga ko." Tinanguan niya lang ako tsaka siya nagsimulang kumain.Bastos talaga tong si mama kahit kailan.

"May sinasabi ka sa isip mo anak?" Napatigil ako sa pag-iisip.Nababasa ba ni mama ang isip ko?Eh?

"Naririnig mo ma?Di mo naman sinabi na kinakausap ka pala ng isip ko." Palihim akong umirap.Alam niyo naman ang mangyayari kapag nahuli ako ni mama na iniirapan siya diba?

"Kumain ka na nga lang.Binibwisit mo ang araw ko." Parehas lang naman.It's mutual ma.

"Gabi na kaya." Bulong kong sabi.Dapat sa isip ko lang talaga yan kaso yung bibig ko masyadong traydor.Malilintikan tuloy ako niyan.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon