XXVI-Plan

45 3 2
                                    

Royal Blood XXVI:Krystal
"Krystal pinsan ko siya ok?Pero sa manila talaga siya nakatira,nagbakasyon lang siya dito to visit his parents.Yung parents niya kasi ang nag-aalaga minsan kay lolo at lola." Paliwanag sa akin ni Nathan na naintindihan ko naman.

"Ano miss?" Kinindatan pa niya ako.Buti na lang nagsalita yung parents niya.

"Ehem!Nandito pa kami oh." Nag-bow ulit ako sa kanila.Sa parents ng pinsan ni Nathan.

"Sorry po.I'm Krystal po pala.Best----" Bigla akong inakbayan ni Nathan.Wooooo!Muntik na yun ah!Girlfriend nga pala ni Nathan ang ganap ko ngayon.

"She's my girlfriend." Nakangiting sabi ni Nathan habang ako wala lang kibo.Nakakainis naman kasi eh!Kayo kaya sa posisyon ko?!

"Wow,mukhang di ka masaya Krystal ah." Sabi ng tita ni Nathan.Napalunok na lang ako.

BAKIT BA NASA AKIN LAHAT NG PRESSURE?!BWISET!

"Masaya naman po ako.The best boyfriend po si Nathan." Ngumiti ako hanggang di ko na sila makita,baka sabihin pa nila na hindi ako masaya.

"Pagod lang to tita.Di pa kasi nakakapagpahinga tapos dumating kayo." Buti na lang sinalo ako ni Nathan.Aba,aba.Teka lang ha.....sinalo talaga ako?Ang bait naman ni babe.

"Ahhh ganun ba?Pwede ka namang magpahinga Krystal." Ngumiti ako at umiling.

"Hindi po.Okay lang ako.Nakakahiya naman po na nagpunta kayo dito tapos di ko kayo makakausap.Malapit na pamilya po kayo kay Nathan eh." Gusto niya ng girlfriend?Oh ito na yun.Ginagawa ko na lahat ng gampanin ng isang girlfriend.Wala naman na akong magawa.Bawal ng tumanggi kasi nasimulan na.

"Sweet ng babe ko diba tita,tito?" Nginitian niya ako pero alam kong nakangisi siya!Ahah!Sinusubukan ba ako nito?

Lumapit siya sa akin.Parang walang tao dito na nakatingin sa amin.Gago talaga to.Pero siyempre di ako papatalo!Patayin ko tong Nathan niyo eh!

"Oh!Oh!Mamaya na kayo maglandian!" Biglang sulpot sa harap namin yung pinsan ni Nathan na di ko alam ang pangalan at epal pa.

Second Pattern...Complete!Naiwasan ko yung pang-aakit niya.

"Bwisit ka talaga!Doon ka nga!" Pagtaboy sa kanya ni Nathan.Sungit talaga kahit kailan nitong lalaki na to.

"Hi miss!Ako nga pala si Andre Claude Mendez!" Nilahad niya yung kamay niya sa harap ko.Tatanggapin ko na sana yun nung biglang batukan ni Nathan si Andre.

"Lul!Anong Andre?!Baka Andres!Kailan pa nawalan ng 's' ang Andres mo?!" Na si Andres pala.Hindi Andre kundi Andres.Andres Claude Mendez.Natawa na lang ako.

"Hahahahahahaha!" Sh*t!I'm laughing so hard.

"Tignan mo!Pinagtawanan tuloy ako ni miss!" Biglang busangot nung mukha ni Andres.

"Krystal ang pangalan ko....Andres." Natawa na lang kami parehas ni Nathan.Nakakaawa naman si Andres na nakasimangot na talaga.

"Grabe kayo!Pinagtutulungan niyo ang anak ko!" Pabirong sabi ng tito ni Nathan.Tinapik naman siya ni Nathan.

"Tito naman!Si Andres naman kasi talaga ang nauna!Parang ayaw sa pangalan niya!Eh diba 'Andres' ka din tito?Yun yung una mong pangalan eh!Andres Carson Mendez!" Inakbayan naman si Nathan ng tito niya.Natawa na lang ako.Mukhang napahiya yung tito ni Nathan eh.

"Naman eh!Kaya nilagyan ko ng 'Andres' ang pangalan ni Claude eh!Maranasan naman niya yung kahihiyan ko!" Lumapit yung tita ni Nathan sa akin.

"Ang kulit nila ano?Minsan lang kasi magpunta si Nathan dito tsaka yung kapatid niya kaso di niya ata kasama kundi ikaw ang sinama niya dito.Maswerte ka at dinala ka ni Nathan dito Krystal.Masungit yan sa babae eh." Napangiti na lang ako.Nathan Mendez kasi yun eh.Walang kasing-sungit.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon