XXV-Andres

57 2 0
                                    

Royal Blood XXV:Krystal
"Nathan po ang pangalan ko,la." Paglilinaw pa nitong si Nathan eh ganun din naman yun.Netan at Nathan iisa lang.

"Aba apo sino itong kasama mo?" Nilapitan ako ng lolo ni Nathan.

"Ahhhh...magandang umaga po." Nag-bow pa ako.Na-miss ko lang ang lola at lolo ko.

"Si Krystal po yan,lo." Nagulat ako ng hawakan ako sa pisngi ng lola niya.

"Kay ganda naman ng iyong kasintahan apo." Ang cute ni lola......teka.Kasintahan?Processing pa wait.

KASINTAHAN AS IN SYOTA,JOWA,BABE,LOVE,LABS......GIRLFRIEND?!

"Ay hindi po---" Bigla na lang akong inakbayan ni Nathan.Ewan ko kung nang-aasar ba 'to o hindi.Pero tngna na lang eh.Di maganda to.

"Opo,la.She's beautiful." Palihim kong kinurot sa tagiliran si Nathan.Para naman maramdaman niya kung gaano ako nandidiri at naiinis sa sitwasyon na to.

"Oh apo.Pasok na kayo.Dito ka ba matutulog?" Napalunok na lang ako.Dito kami matutulog?Seryoso ba to?

"Yes po lo.May dumating po ba dito na mga gamit?" Tumango na lang si lolo at hinawakan yung kamay ni lola at sabay silang pumasok sa loob.Ang sweet naman pero alam niyo ba?Sa panahon ngayon,gusto kong pumatay.

Pumatay ng isang lalaking nakaakbay sa akin.

"Pwede ba tanggalin mo yang bwisit na braso mo sa balikat ko?" Mahina lang pagkakasabi ko nun.Baka marinig nina lolo at lola.Mahirap na.

"Alright Krystal.Hindi ko din ginusto to ok?Ayokong akbayan ka pero kailangan kong gawin to.Gusto kong pasayahin sina lolo at lola.Kaya sa ayaw at sa gusto mo,kailangan mong gampanan ang pagiging girlfriend mo." Nakangisi siya all the way.Damn it!

"Bakit ko naman susundin lahat ng sinasabi mo ha?Tsaka alam ko na yan,may ipapagawa ka sa akin na hindi ko inaasahan.Bwisit na to.Tsaka anong sa ayaw at sa gusto ko?Baka sa ayaw at sa ayaw ko talaga!Isa pa papatayin na kita!" Medyo napasigaw ako.Buti na lang di nila narinig.

"Remember last time?You're my property.Nathan's property pero dahil nilayasan mo ako nun at pinahamak mo pa ako,hindi natuloy yung task mo so ito na yun.Act as my girlfriend for two days.Today we start and tomorrow we'll end the deal." Tinignan ko lang siya ng masama.Teka iniisip ko pa!

If I say yes....pwede kong simulan na yung patterns.Kung hihindi ako...malulungkot sina lolo at lola.

"Hey.I'm waiting for you to answer me.Will you be---"

"Alright!Fvck!It's a deal." Iniwan ko na siya dun.Ayokong marinig yung sasabihin niya.

"Hey Krystal!" Wag mong pansinin Krystal.Don't.

Nakapasok na ako sa bahay na tutuluyan namin ngayon.Akala ko maliit yung bahay pero malawak talaga siya.Simple pero maganda yung bahay.

"Apo,Krystal kumain muna tayo." Tawag sa amin ni lolo.Nakita ko pa yung mga gamit na sinasabi ni Nathan.Teka lang!Bakit nandito yung bag ko?!

"Krystal?" Napatingin ako kay Nathan at nakaupo na silang lahat at handa ng kumain.Umupo na lang ako sa tabi ni Nathan at ngumiti sa kanila.

"Kain na tayo." Sabi pa ng lola ni Nathan pero pinigilan ko sila.Hindi ko naman sila gugutumin.May nakalimutan lang silang gawin.

"Ahhh teka lang po.Hindi po ba tayo magdadasal?" Tanong ko sa kanila.Napangiti naman si lolo at lola.Bakit?Hindi ko din alam.

"Pasensya ka na ah.Nakalimutan namin magdasal.Natutuwa kasi kami kapag nandito ang aming apo." Sabi ni lolo.Ngumiti na lang ako.Nagsimula na din kaming magdasal.Pagkatapos nun ay kumain na kami.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon