II-K of the KINGS

243 12 2
                                        

Royal Blood II:Krystal
"Wahhhhh ayan na sila!" Akala ko kami ni Yassy ang tinitilian eh.Ngingiti pa naman sana ako kaso yung KINGS pala yun.Hmp!Mukhang tambay naman sa kanto yung dating nila eh.Never akong magkakaroon ng ganyang crush!Never!

"Uy Krystal san ka pupunta?" Napalingon naman ako kay Yassy na kasama nung mga tumitiling babae.Siyempre maingay kaya hindi ko naintindihan kaya naglakad na lang ulit ako.Uuwi na ako baka hatawin na naman ako ni mama.

"Hey." Hinawakan ko kamay nung humawak sa akin.

"Woah!Easy ka lang.Wala kaming gagawing masama sa iyo!" Napataas naman yung kilay ko.Hindi naman ako nagsasalita ng sobra sa school halos si Yassy nga lang kausap ko eh kaya di ko na lang pinansin.Naglakad na lang ako palayo.

Nakita ko ng nasa labas ang nanay ko at hinihintay ako.Lagot na naman ako dito.

"Hoy babae.Bakit late ka na naman?!" Napatingin ako sa orasan ko at napasapo ako sa noo ko.

"Jusko naman ma.Isang minuto lang ako late oh.Chill ok?Mas----Aray!Sorry na kasi.Masakit ma!Kasalanan ko na nga.Sorry na!" Ayun kinurot at hinampas na naman ako.

"Pasok!" Pumunta ako agad sa kwarto ko.Aba baka mahampas na naman ako.Iba ang nanay ko!Kung akala niyo sweet at maalagain ang nanay ko eh ibahin niyo siya kasi siya yung tipong hahampasin ka kapag late kang umuwi,sesermunan ka kapag sira ang araw niya o kaya babatukan ka niya kapag may sakit ka kasi pabaya daw ako sa sarili ko.Kakaiba siya sa lahat pero sobrang bait niyan........kapag tulog nga lang.

"Ma alis muna ako." Nakataas na naman kilay ng nanay ko oh.

"San ka na naman pupunta aber?"

"Bibisitahin ko lang si papa." Bigla na lang nag-iwas ng tingin si mama.

"Sige." Napabuntong hininga na lang ako.

"Ma.Ok ka na naman diba?Wag mo ng sisihin ang sarili mo sa nangyari." Nakita kong nagpahid ng luha si mama.Hindi niya pinapakita sa akin yung pag-iyak niya eh.Ayaw niya kasing nakikita siya ng ibang tao na mahina siya.

"Oh bakit hindi ka pa umaalis?Bilisan mo na at wag kang masyadong magpapagabi ha?" Tumango na lang ako.Binigyan niya din ako ng 200 para sa bulaklak.

Sumakay na lang ako ng tricycle.Malapit lang naman yun dito eh.Ilang taon na akong hindi nakakapunta kay papa.Lahat ng nangyari bumalik.

"Pa.Andito na ako.Hindi mo naman ako nakalimutan ano?Ako pa din si Bliss.Sorry kung ngayon lang ulit ako nabisita sa inyo.Sorry kung nalulungkot ka na kasi di ka na namin nabibisita palagi." Napapikit na lang ako nung maramdaman ko yung hangin.

"Alam mo pa.Dinalhan din kita ng bulaklak.Mahal ka pa din ni mama at alam ko yun.Nararamdaman ko yun pa.Kaya wag kang mag-alala kasi alam ko na hindi ka pa din nakakalimutan ni mama.Mahal ka pa din niya,mahal ka pa din namin." Humangin na lang ulit.Sobrang lamig nung hangin kaya napayakap na lang ako sa sarili ko.

"Miss na kita pa.Miss na miss na miss na kita.Sana makausap o makita man lang kita kahit sa panaginip ko.Pa kung alam mo lang kung gaano kasakit sa pakiramdam nung iniwan mo kami ni mama....sobrang sakit pa.Bakit hindi ko makalimutan yung nangyari pa?Kailan ba matatapos lahat?!Lahat ng sakit tuwing maaalala ko laht ng nangyari!" Sumisigaw na pala ako at umiiyak na ako.Wala eh.Kailangan kong ilabas lahat.Tumungo na lang ako at umiyak.

Naramdaman ko naman na may naglagay ng jacket sa akin.

"Wag ka ng umiyak." May nag-abot ng panyo sakin.Kinuha ko na lang kasi mukha na akong gurang dito.

"T-thankyou." Hindi ko pa siya nakikita dahil nagpupunas pa ako ng luha ko.

"Tulungan na kitang tumayo." Nilahad niya yung kamay niya na inabot ko na lang.Teka lang!

"Ikaw?!"Sabay naming sabi.

"Ikaw ba yung kanina sa school?!" Sabi niya.Sakto naman na napataas ang kilay ko.

"Kyler huh?" Napa smirk siya at medyo nayabangan ako sa kanya.Well mayabang naman talaga silang lahat.

"So you know my name?Stalker or a die hard fan?" Aba!Sira-ulo to ah!

"Excuse me mister.Hindi ako stalker or die hard fan ng grupo niyo.Yung kaibigan ko lang.Tss." Lagi sigurong naka smirk tong lalaking to ano?

"I see.So a die hard fan of me instead?" Aishhh.Sarap sabunutan nitong chinito na to eh!

"Impossible." Napapailing na lang ako ng ulo sa kanya.

"Ouch.Tinamaan mo ako dun ah." Puro kabalastugan naman tong lalaking to.Saan niya ba napupulot yang mga smirk at kindat na yan?

"Unang-una kailangan ko ng umalis.Pangalawa tigilan mo na please yang pagkindat mo dahil hindi bagay sayo.Pangatlo wala akong pakialam sa grupo niyo at lalo na sayo.So mister pwede ba hindi ka gwapo lalo na yang ugali mo." Aalis na sana ako kaso ito na naman siya.Bumanat na naman.

"Ganyan ka ba talaga kasungit?Well kilala ko na kung sino ang makakatuluyan ko dito sa story na to."

(A:Aba!Wag kang spoiler sa story na 'to!Pakain kita sa buwaya eh.)

"Sorry na Miss A." Loko-loko talaga tong Kyler na to.Hindi bagay ang pangalan niya sa ugali niya.Psh.

"Hoy aalis na ako.Ito na yung jacket mo." Binalik ko sa kanya yung jacket niya.Well maganda yung jacket niya huh.Black na may flames na design.Astig.

"You can borrow it if you want.Pwede mo naman ibalik sa akin yan bukas.Malamig oh." Sabi niya habang nakatingin sa langit.

"No thanks." Nung alam kong malayo na ako sa kanya eh nagsimula na akong magsalita mag-isa.

"Ang lamig sobra.Hindi ko kakayanin kapag naglakad ako kaya sasakay na lang ako sa tricycle kaso wala na nga pala akong pera.Sana pala hindi na ako bumili ng candy.Haisst.Malas ko naman ngayon." Napatungo na lang ako kasi sobra akong nanghihinayang.

"Want a ride?" Napalingon na lang ako sa gilid ko.Yabang talaga nito.Gasgasan ko ferrari niya eh.

"Hindi." Naglakad na lang ulit ako.Ughh bakit kasi ang lamig?!

"Come on.Baka magyelo ka na lang sa daan.Ikaw din.May nakita pa naman akong mga lasing sa daan." Natawa naman ako sa kanya.

"Tss.Bakit naman kita paniniwalaan eh wa----"

"Oy pare chix oh!" Nakita ko na lang na naka smirk tong lalaking to.So totoo nga.

"Aishhh.Fine sasakay na po." Siyempre binilisan ko na kasi tumatakbo na sila papunta sa akin.Malay ko ba na sira din ang ulo nila katulad nitong lalaki na to.

"Goodluck na lang." Sinimulan na niyang paandarin yung kotse niya.Lakas ng trip nung lalaking yun!Nagsimula namang umulan tapos pagtingin ko dun sa mga baliw eh nakadapa sila.Tss takot sa ulan.

"Magasgasan sana yang kotse mo!" Nagsimula na akong tumakbo pauwi.

"Oh magbihis ka na baka magkasakit ka niyan.Kasi naman di ka nagdala ng payong." Bungad ni mama sa akin.Basang-basa ako pag-uwi akala ko sesermunan ako eh kaso hindi pala.

"Ma akyat na ako.Ang lamig eh." Tumango na lang si mama.Sobrang lamig talaga baka magkasakit pa ako nito.Matulog na lang ako.

Naramdaman kong kinumutan ako ni mama kaya medyo napangiti ako tapos may sinabi siya sa akin.

"Hindi man ako yung pangarap na nanay ng lahat pero kaya kitang protektahan palagi.Bliss,hindi ko alam kung mapapatawad mo ako kung lalaban ulit ako para sa kaligtasan natin.Simula nung mawala ang papa mo....gumulo na ang lahat.Madami na ang nagpapadala ng death threat.Natatakot ako para sayo Bliss."

Kaya pala parang laging may nakasunod sakin.Hayaan mo ma.Nag-aral akong makipaglaban.Secret lang namin yun ni papa.Kaya palaging wala ako sa bahay kasi pumasok ako sa isang school kung saan matututunan mong pumatay.Alam kong kasama ka sa mga mafia mama at alam kong madami ka ng napatay.

                                                                                ~Continued~

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon