Royal Blood XXIII:Krystal
"Ma sabihin mo!Nagkaroon ba ako ng AMNESIA?!" Nakita ko si mama na parang nagulat.Hindi ko alam.Ang gulo ng utak ko.Di ako makapag-isip ng maayos.Bakit sa akin pa?
Bakit sa akin pa nangyari tong lahat?Ni wala akong kaalam-alam na may nangyari pala sa akin noon.May madilim akong nakaraan.
"Pasensya na Bliss.Naghahanap pa kasi ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa iyo ang lahat." Nakaramdam ako ng kaunting galit sa nanay ko.Bakit nagawa niyang maglihim sa akin?Anak niya ako at may karapatan akong malaman tungkol sa buhay ko!
"Ma bakit?" Nakita kong paiyak na siya pero anong magagawa ko?Pareho lang kaming nasaktan.
"Masyado ka pang bata Bliss nung maaksidente ka.Nabaril ka sa ulo Bliss.Sobra kaming nag-alala ng papa mo sa'yo nung nangyari yun.Buti na lang at wala pang masyadong memories ang nabuo mo maliban na lang sa mga kaibigan mo noon." Napakunot noo ako sa sinabi ni mama.Yung napaginipan ko....sila ba yun?
"Ma...sa panaginip ko....nakita ko ang anim na batang lalaki.Hinahabol kami ng isang lalaki.Nakuha niya ako mama tapos tinulungan ako nung mga batang lalaki.T-tapos nakuha yung isa naming kaibigan." Nawawala ako sa sarili ko.Paulit-ulit na nakikita at naiisip ko yung napaginipan ko.
"Kumalma ka Bliss.Huminga ka ng malalim at pumikit.Nandito lang ako." Niyakap ako ni mama.Pareho kaming umiiyak.Pinikit ko ang mata ko at pinilit na alalahanin yung mga nakalimutan ko noong bata pa ako.Kulang ako kung hindi ko maaalala yun.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nagising na lang ako nung tumama ang liwanag ng araw sa mukha ko.
"Gising na Bliss!" Nagising ako sa sigaw ni mama.Malapit pa talaga sa tenga ko.
"Bakit ba ma?Walang pasok ngayon.Tsaka masakit ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi." Pumikit ulit ako at sinubukan kong matulog pero hinila ng pasaway kong nanay yung unan ko kaya muntikan na akong mabagsak.
"May naghihintay sa iyo sa baba." Bigla na lang ako napatayo.Naligo na ako at nag-ayos.
Nagulat na lang ako ng makita ko si Nathan na naghihintay sa akin.Ano bang problema niya?
"Oh nandiyan na pala si Bliss.Sige na mukhang may date ata kayo." Tinignan ko ng masama si mama.Nakangiti lang siya.Mukhang tuwang-tuwa siya na nadito si Nathan,sabagay mas mukhang masaya pa si mama tuwing may nagpupunta ditong lalaki.
"Ma!Pwede ba?!" Tinawanan na lang niya ako.Hinarap ko si Nathan habang nakataas yung kilay ko.Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?
"May kailangan tayong pag-usapan." Mukhang seryoso siya.Seryoso din sana yung pag-uusapan namin.
"Ang aga mo ha.Parang mahaba ang pag-uusapan natin Mr. Mendez." Bigla ko na lang naalala yung pangako ko....na babaguhin ko yung ugali ni Nathan.Well...sa tingin ko mas bumubuti na siya pero of course!Hindi ko siya laging kasama kaya hindi ko alam kung ano o paano niya itinatrato ang ibang tao.
Gagawa na nga ako ng plan.Patterns to Change a Demon's Heart.Ok na yan.
First Pattern:Believe in yourself.Wag kang susuko hanggang di mo napapalambot yung matigas na puso ni Nathan.
Second Pattern:Be Brave.Hayaan mo yung mga hadlang lalo na si Nathan...magaling mang-akit yan.
Third Pattern:Stone Cold.Minsan kailangan maging malamig yung pakikitungo mo sa kanya para makita niya na seryoso ka.
Fourth Pattern:Trust.Kunin mo yung tiwala niya para mas mapadali ang pagbabago niya.
Fifth Pattern:Relax your soul.Wag mong pilitin ang ayaw.Mahihirapan ka lang.

BINABASA MO ANG
Royal Blood
Teen FictionEverything is unexpected.... Then KINGS came... Everything is planned from the start. This is the story of royalty in mafia world... (Language:Tagalog)