XIV:New Girl

99 6 5
                                        

Royal Blood XIV:Gavin
Tsk.Inatasan na naman ako ni Miss A na magkuwento.Nakakabwisit talaga.

"Bro." Tinapik ako ni Ace sa balikat.Namumula ang mga mata niya.Malamang umiyak!

(A:Malay mo may sore eyes.Tanga mo talaga.)

Paki mo ba?Tsaka huwag ka ngang epal dito.Ipapatay kita kay Guerrero eh.

(A:Weh?Tandaan mo kuwento ko to at hindi sa iyo kaya huwag kang asa diyan.)

Oo na.Fvck!Just stop talking ok?

"Bro ano na naman ang iniisip mo?" Umiling lang ako.

"May saltik lang na bumabagabag sa utak ko." Naglakad ako papunta sa kotse ko.

"Kita na lang tayo sa bahay mamaya." Sabi sa akin ni Ace.May kotse na siya kaya di na niya kailangan lagi na kasabay at ihahatid ko sa bahay.

"Mamaya pa ako makakauwi kaya pakisabi sa mga katulong natin na huwag munang isasara yung pinto kundi mapapatay ko sila." Napatawa ng mahina si Ace kaya napangiti na din ako.Mabuti naman at tumawa na din tong kapatid ko kahit saglit lang.

"Huwag kang masyadong seryoso.Hayaan mo...ako ang magsasara ng pinto para sa iyo." Tinignan ko siya ng masama tapos tong gago kong kapatid ay tawa pa ng tawa.

"Sige na lumayas ka na.Huwag kang magbabasag ng gamit sa bahay ha?Kundi yang mukha mo ang babasagin ko." Tumango lang siya sabay sakay sa kotse.Tsk.Bastos talaga tong kausap minsan.

*ring ring*

"Boss." Si Guerrero tumawag.

"May pinatay na naman ba sila?" Ang ingay sa kabilang linya.Medyo di ko marinig yung boses ni Guerrero fvck.

"Ha----w--ahhhhh!Wal--ka--" Pucha!Wala akong maintindihan kahit isang salita!Ano bang kalandian ang meron dun at napakaingay?!

"Hindi kita maintindihan.Linawin mo gago." Luminaw yung boses ni Guerrero kaya alam kong lumayo siya dun sa kung ano mang maingay na lugar na yun.

"Boss nandiyan ka pa ba?" Tsk.

"Nandito pa ako gago.Ano ba yun?Bakit ang ingay?" Tanong ko.Gusto ko lang malaman.

"Hawak namin yung dalawang kampon ni satanas." Napangisi naman ako dun.Tatapusin namin kayo isa-isa.

"I'll be there." Sumakay na ako sa mamahalin kong kotse sabay paharurot nito.

Nakadating naman ako dito sa tambayan namin.Bago ako lumabas ng kotse ay kinuha ko muna yung baril ko para safe.Bawal mamatay ang pogi.

"Boss.Ayaw nilang magsalita." Salubong sa akin ni Guerrero.Basag na mukha nitong dalawa.

"Bakit niyo ba kasi binuhay to at dinala pa dito?Mga mukhang demonyo.Tsk." Napangisi naman yung isa kaya nilapitan ko at lumuhod ako para pantay kami.

"Hindi mo kami mapapagsalita.Kahit ano pa ang gawin niyo sa amin." Napatawa ako ng mahina.Napangisi naman si Guerrero.Hayop talaga to.

"Itong mukhang to?Hindi mo dapat to nginingisian.Tsaka wala kaming gagawin sa inyo kaya huwag kayong mag-alala.....pamilya niyo ang pupuntiryahin namin.Mga gago kayo." Sabi ko.Lumayo ako sa kanila bago nila mahawakan tong mukha ko.

"Hayop ka!Wala ka talagang kasing sama!Mamatay ka na!" Sabi nung isa.Napatawa ako,yung pang demonyo para matakot naman sila.

"Ako mamamatay?Masamang damo ako gago kaya huwag mo akong igagaya sa iyo!" Kinasa ko yung baril ko sabay baril sa ulo nito para patay agad.Awa?Hindi ko alam yung salitang yun eh.Sorry.

"Schmidt.Hindi ko alam kung bakit ang arte ng apilyido mo pero di na ako magtataka kasi kasing-arte mo yang apilyido mong hayop ka.Masyado ka bang naduduwag kaya sa bawat aatake kayo eh wala kang magawa kundi magtago ha?!Nasaan yang pagkalalaki mo ha?Bakla ka bang hayop ka?!Ano magsalita ka!" Naiinis na ako dito!Nagwawala na din tong demonyo na to.Buti na lang at mahigpit ang pagkakatali nina Guerrero dito.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon