XII-Flashback

110 6 5
                                    

Royal Blood XII:Cassiopoeia
"Hi." Nasa isang....park ako ngayon.At bigla na lang sumulpot tong lalaking hindi ko kilala.Tumayo ako sa pagkakaupo ko at mas ginustong maglakad kaysa kausapin ang isang to.

"Miss!" Hindi ako nag-abalang lumingon.Maaaring mapahamak pa ako kung hindi ako aalis dito.

"Cassiopoeia!" Tinawag niya ba ang pangalan ko?

"Hindi ako si Cassiopoeia." Ayoko pa din na lumingon.Mahirap na.

"Really?Eh sino tong nasa picture na to?Kakambal mo?" Lumingon na ako at hinablot ko kaagad yung picture na hawak niya.Naiwan ko ang diary ko.

"Hindi mo dapat pinapakialaman to." Napangisi siya kaya medyo nabwisit ako.

"Bakit hindi?Kung sino naman talaga ang makakakita niyang diary mong nakakalat eh titignan yan." Tinignan ko siya ng masama.Hindi na ako sumagot at umalis na ako.Sinisipa ko lang lahat ng nakikita kong bato sa daan.

"Hoy!" Nakarinig na lang ako ng putok ng baril.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa lalaking kanina ko kausap.Niligtas niya ako at muntik na akong mabaril.

"Yung alin?" Kinindatan pa ako!Aba at bastos to ah!

"Yung pagligtas mo sa akin." Binaril niya yung lalaki.Siguro miyembro siya ng sindikato ano?

"Ang tanga mo kasi." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako tanga.Masyado ka lang papansin talaga." Napatawa siya ng mahina tsaka tumingin sa akin.

"Tsk.Masyado mo lang talaga akong napansin." Hinugot ko ang baril ko sa bag ko at pinakita sa kanya.

"Hindi ako tanga,Knight Garcia." Tsaka ko tinutok sa kanya yung baril.Medyo napaatras siya pero balik pagiging seryoso siya at napangisi.

"So you know my name?" Tinawanan ko siya ng sobrang lakas.

"Magkaibigan ang magulang mo at magulang ko.Pero wala kang ginawa kundi ang tignan ang cellphone mo at kausapin ang barkada mo." Sinubukan niyang kunin ang baril kong nakatutok pa din sa kanya pero mabilis ko itong ibinalik sa loob ng bag ko.

"Ganun ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gago ka ba?Ni hindi mo nga alam na naka-fixed marriage tayo.Tsaka pwede ba..huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na nagkita at nag-usap tayo." Tumango na ako at umalis na.Wala din kwenta tong kausap ko.

"Teka!Ano sinasabi mong fixed marriage?!" Lumingon ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Di mo alam ibig sabihin nun?Tanga mo pala talaga." Natawa na lang ako.Di naman kasi sinabi ni tita na tanga ang anak niya.Eh di sana naturuan ko na siyang magbilang at magbasa.

"Ahhh so ganun pala tingin mo sakin?Weak?Stupid?Na-uh." Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at nagsimulang maglakad.

"Hoy!Ibaba mo nga ako Knight-tanga!Naks!Bagay pala yun!" Di ko akalain na tutugma ang pangalan niya sa salitang tanga.Hmmm ok lang naman.Yun naman talaga siya eh.

"Yan diyan ka!Huwag na huwag mong subukang magsalita!Papatayin kita!" Gago pala to eh!Kinulong ba naman ako sa c.r.Ang baho kaya!Di na ako makapagtimpi kaya sinipa ko ng malakas yung pinto.Ayun nasira.

"Huwag mong aksayahin ang oras ko Knight-tanga.Madami pa akong gagawin.Feeling close ka naman." Napatayo siya at hinawakan ako sa braso.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?" Sinuntok ko siya.

"Sa impyerno kasama ka!" Tinulak ko siya palayo at naglakad na ako.Makapal ang mukha ng isang to.Ayoko sa kanya.

"Tandaan mo!Kapag nagkrus ulit ang mga landas natin....sisiguraduhin kong hindi na kita papakawalan." Lumingon ako sa kanya at nakita ko yung mukhang dugyot niyang ngisi.

Royal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon