ARWILL: Vote and comment daw po please? *aegyo~*
*girls screaming wild*
------------
Be My Girl – cHappy sixteen
MARA’s pov
After ng pagpili, tinipon kaming lahat ng mga coordinator para mag-meeting. Habang nag-eexplain sa harap si Zaion and Ash tungkol sa gagawin namin, ako naman eh nakabusangot lang na nakikinig.
Trip lang nila ko. As in trip lang. Ramdam na ramdam ko kasi talagang pinagdikit pa talaga kami ni Lester. Letsugas! Ang awkward tuloy sa side ko.
Halata bang gusto ko na si Lester at hindi crush? Grabe naman. Tingin ko naman normal pa rin ‘yung pakikitungo ko ah.
CORNELIA: Psst! Mara, bakit ganun ‘yung tanong sa’yo ni Zaion kanina?
Napatingin ako sakanya at bumulong. “Eh... b-bakit? Mali ba ‘yung tanong niya?”
Bumulong na rin si Corn. “Oo. Ang tanong kasi samin eh kung may crush daw ba kami sa kahit na sinong SC member. ‘Yung sa’yo kasi... direct to the point.”
Alanganing ngumiti ako. “Ehehehe~ H-hindi ko rin alam..” tae! Baka mabuking pa niya ko ng may gusto ko kay Lester! “Ang lalakas lang siguro ng trip nila?”
“Siguro. Pero ‘di ba kilala ka bilang may crush kay Lester? So... bakit pinili ka pa rin nila?”
“Alam mo, ayoko rin naman na mapili dito. Eh kaso ang habol ko naman ay ‘yung insentives. I can deal my feelings later. Ang importante ‘yung grade ko. Saka, aayaw pa ba ko? Makakatrabaho ko na si Lester, may extra grade pa ko. Oha! I’ll be hitting two birds with one stone! Hohoho!”
Natawa naman siya sa sinabi ko. “Sabi na nga ba eh. May hidden agenda ka kaya sumali ka. Congrats! Hahaha :D”
Pinagdikit namin ‘yung kamao namin at saka nakinig na ulit. Ayos na rin siguro ‘to. Para naman maka-tsansing ulit ako kay Lester my labs~ Hohoho!
Pagkatapos kaming i-dissmiss. Pumunta agad ako ng room namin. Sakto naman na lunch time na.