Be My Girl - cHappy nine.point.one

2.8K 66 5
                                    

Snow Says---

                     Tiw tiw tiw tiw tiw tiw tiw~ parang gusto kong manapak ng tao pag naririnig ko 'yan =____=; Seriously. Anyway~ ireresume ko na ulit ang pagde-dedic ng chappy's sa mga nag-follow sa 'kin. Thanks mge beybeh~ So this chap is for you! mwah!

-----------------

Be My Girl – cHappy nine.point.one

 

MARA’s pov

#Field; Phase 1

“Idol!”

Nilingon ko ‘yung mga kaklase ko. Kasalukuyan kaming nagwawarm-up dahil ilang oras na lang, sisimulan na ‘yung unang game. Wow~ kasalukuyan~ xD

“Oh? Bakit?”

“Sayaw ka naman!”

“*forehead-know* Baket?”

“Para ma-inspire kami.” Sagot ni Ryan habang nag-i-stretching. First day nga pala ngayon ng sportesfes namin. Kanina nagkaroon na ng opening ceremony. As usual, binilad kami sa araw. Extra vitamis daw. Weh?

Inirapan ko na lang ‘yung kaklase kong lalaki at tinulungang magwarm-up ‘yung mga kaklase kong babae. Kainis kasi! Bakit bukas pa ko maglalaro! Pwede namang ngayon. Hmp! Pero hindi pa rin ako tinigilan ng mga kaklase ko sa pangungulit. Pati babae nakisali na.

“Sige na, Pinuno!” bansag nila sakin ‘yung ‘pinuno’. Pangit daw pag-president eh. Anong pinagkaiba? =_____=

“Oo nga! Maawa ka naman samin! Ito na nga lang hinihingi namin sa’yo eh.”

“Tama! Cha-cha ka na lang, Pinuno!”

“Oo maganda ‘yun. Tapos nakanganga! xD”

“Nice one, Janru~”

“HEH!” tinalikuran ko sila at nagbilang ng sampu. Hingang malalim. Tapos hinarap ko sila. “Charap-charap-charap-charap, charap mag-cha-cha! Aw!”

Napuno ng tawanan ‘yung section namin. Mga loko-loko talaga ‘tong mga ‘to.Natatawa na lang din ako kasi pinatulan ko ‘yung kalokohan nila. Muntanga din kasi ako eh. Chos! Walang basagan ng trip~

“Wooh! Feeling ko nakatira ko ng sandamakmak na energy pills!”

“Ready na kong maglampaso ng kabilang section!”

“Ikaw na talaga idol! Huuuu!”

“Lupet! I love you, idol! Isa pa!”

“Shabu pa! :DD”

Sumasakit na tiyan namin kakatawa. Pa’no ginatunangan pa ng kung anu-anong kalokohan ‘yung pinagsasasabi nila. Lakas lang ng topak. Pero hindi nakaligtas ‘yung nadinig ko sa kabilang section. Magkakatabi lang kasi yung benches namin. Medyo lang. Mga one-meter.

“Low-life creatures.”

“If I know better, mandadaya na naman ang mga iyan.”

“Syempre, mana sa President eh.”

“Naman! ‘Buti na lang, hindi ako napunta sa section na ‘yon. Eew~”

Be My Girl [TSCM series 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon