Be My Girl - cHappy twenty-four.point.one

2.1K 48 2
                                    

SNOW SAYS ---

              Sabi naman sa inyo kinabukasan mag-a-update ako eh~ Weeee~ Ah, nga pala, dedicated 'to kay MsBluexD. Nahulaan niya kasi eh. Galing! *clap*clap*clap* 

Oy enjoy ulit ah *winks*

---------

Be My Girl – cHappy twenty-four.point.one

 

MARA’s pov

Hmm... Ano naman kayang sasabihin ni Lester at dito pa niya napiling mag-lunch? Siguro pag-uusapan namin ‘yung nangyari kagabi sa bahay. I’m sure alam na niya.

Haay~ Nakakaawa si Papa. Hindi ko alam na napapatino din pala ang playboy na tulad niya. Akala ko si Mama ‘yun. Hindi pala.

Si Tita Elaine pala.

Ganito kasi yon, kaya nag-divorce ang mga magulang ko ay dahil sa third party. And yes, ganun ka-grabe ang si Papa na kahit kasal na sila ni Mama, nakukuha niya pa ring maghanap ng iba. Si Mama, hindi na natagalan si Papa kaya minabuti niyang makipaghiwalay na lang.

That time, my father was having a relationship with someone. And that someone is Tita Elaine. Sabi pa nga ni Papa kagabi (Kasi kagabi niya lang kinwento sakin ‘yung nangyari =___=), aksidente ‘yung nangyari sakanila ni Tita Elaine. Hindi niya inaasahan na may mangyayari pala sakanila. After maghiwalay nila Papa, tinuon niya ‘yung pag-aalaga kay Tita na buntis. Syempre, kami ng kuya ko, galit kay Papa nun tapos kalaunan, napatawad namin siya kasi masaya naman na si Mama at nakahanap siya ng kapalit ni Papa.

Balik tayo sa lovestory ni Papa xD Bago pala manganak si Tita Elaine, nakatakda na siyang umalis ng bansa. Dun kasi niya piniling manganak at dahil na rin sa gusto ng magulang niya. Pero ‘di alam ni Papa, pinaglalayo lang pala sila ng magulang ni Tita Elaine. Little by little, lumalabo ‘yung communication nila. Hanggang sa... wala na. And the rest is history.

Haay~ Nandito na pala ko sa harap ng botanical garden. Pumasok na ko. Nakita ko namang nagdidilig ng halaman si Lester.

“Oyoyoy! Kanina ka pa?” tanong ko sabay upo malapit sakanya. May mga bench kasi dito na pwedeng pagtambayan ng mga estudyante. Err... actually, restricted area ‘to. Eh may access naman si Lester kaya ‘yun nakapasok ako.

“Hm? Hindi, kadadating ko lang din. Tara, kain na tayo.”

Umupo siya sa tabi ko tapos kumain na kami. Nuks! Pack lunch ang peg ah!

“Wow! Ang sarap! *u* Si Katie ang nagluto ‘no?”

Medyo nagulat siya sa sinabi ko tapos nagtatakang tinignan ako. Haha! Ang epic ng mukha xD

“Pano mo nalaman? Edi kayo na magkapatid!”

Be My Girl [TSCM series 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon