Be My Girl – cHappy twenty-seven
#Kinabukasan...
MARA’s pov
Nakayuko lang ako habang nakatingin sakin si Papa. ‘Yung ‘di basta-bastang tingin ah. Tipong konting galaw ko lang raratratan niya ko.
You know why.
Hanggang ngayon kasi mugto pa rin ‘yung mata ko kakaiyak. Boset. Ge, ok lang. Sumpa niyo si Lester. Walang kasing sama. Ipagpalit ba naman ako sa walang breeding na forenjer na ‘yun.
‘Di lang yan. Kinalimutan pa ko ng mokong. Wow ah. Bandang huli ako pa nawalan.
Nakakainis. Nakakaiyak. Nakaka-frustrate. Nakaka-depress. NakakaBWISET.
Pero kahit ganun, hindi ko magawang magalit sakanya. Ewan =______= Naiinis ako pati sa sarili ko. Ayan na oh! Dami niya ng kasalanan sakin pero sige pa rin ako. La na. Baliw na.
Haaaaaaaaaaaaaaysssss.
“Makipagbreak ka na sakanya.” Sabi na Papa sabay tayo. Meaning, end of conversation.
“Hon!” tutol ni Tita Elaine sa sinabi ni Papa. Napatayo na din ako.
“P-pero Pa...” he glared at me. GLARED! “A-ayoko po!” ‘Di ako papasindak! Kaya ko ‘to! Sa ngalan ng pag-ibig. Pwe! Ang corny huehue.
“S-sasama ako papuntang Germany.” Matapang ko pa ring sabi. Bahala na. Hanggang tingin lang naman sakin si Papa eh. Alam kong hindi niya ko sasaktan.
“Para ano? Para masaktan ka pa lalo? Sige! Bahala ka sa buhay mo!” then nagwalk-out siya.
Ouch. Hard. Ngayon niya lang sinabi sakin ‘yun. At parang tototohanin niya nga. ‘Wag naman. Naiiyak tuloy ako. Pati kami ni Papa naaapektuhan. Ano? Tutuloy ko pa ba?
Pabagsak akong naupo sa sofa. Agad naman akong inalo ni Tita. Sakin siya kampi. Mehehe~
“Thanks, Tita.” Ngumiti ako.
“Don’t worry, lalamig din ang ulo ng Papa mo. Alam mo naman ‘yun, padalos-dalos kung mag-isip. Mare-realize niya rin na tama ang ginawa mo. Trust me.”
“Opo.”
“Tulungan na kitang mag-empake?”
“Ah, ‘wag na po. Kagabi ko pa po kasi ginawa. Hehe.” Sorry na. Excited lang~
Natawa lang siya sa ka-weirduhan ko. “Ikaw talaga. Haay si Lester naman kasi, kung anu-ano naman ang ginawa. Don’t worry pagagalitan ko siya sa phone pagtumawag. Anyway, alam kong hindi ganun ang anak-anakan kong ‘yon.” Uiling-iling siya. “Something’s really wrong. Oh well, Von voyage, Mara. =))”
“Thank you po. Hehe.”
Pagkatapos naming mag-usap kinuha ko na ‘yung gamit ko sa taas kasi alam kong maya-maya nandyan na ‘yung sundo ko.
---------------
#Fastforward
Nag-unat ako. Medyo nakakahilo pala talaga pagsumakay ka ng eroplano. Ah, no. Private plane pala ‘to ng mga Grayson.
Sila na mayaman!
Psh~ First time ko kasi eh. Tapos biglaan pa. Tapos ‘di naman bakasyon ang punta. Amp.
Nakita ko si Ash kaya pinuntahan ko. Nakaka-starstruck talaga siya. Kahit lagi-lagi kami nitong nagkikita, ‘di ko pa rin mapigilan na hangaan siya. Artistahin kasi talaga ang aura pati itsura. Ohaaa. Full package pa ‘yan.
Ngumiti siya. Ngumiti din ako.
“’Wag ka na nga lang ngumiti. =____=” Boset. Biglang simangot ako eh. Adik. “Malungkot tas nakangiti? Wilab na.”