Be My Girl – cHappy eighteen
MARA’s pov
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ako. As in hindi. Shock ako eh. Bat ba?
Tapos hinila ako bigla ni Lester. Muntik pa kong sumubsob sa sahig! Loko ‘to ah! Wa poise tuloy ako.
“Ah... H-hello po. *ngiting nanginginig*”
Loooooord~ Ang sama ko pala talaga? Biruin niyo? ‘Yung taong pinagti-tripan ko nun sa park eh Nanay-nanay-an pala ni Lester? TT_____TT Panu pa ko magpapalakas nito? Turn off na siya sakin. Ouch </3
Eh malay ko ba naman kasi na... matino pala siyang tao. Akala ko kasi sintu-sintu eh. Ay tama ba spell? Bisaya ba? XDD
Ok, hindi na ko se-segue. So... ‘yun nga. Hindi lang ako makapaniwala na siya pala ang... Mama ni Katie. Kaya pala ang ganda-ganda at mukhang mayaman. Dun lang ako tumama eh. Sa maganda at mayaman.
Nag-bow ako ng head. Kupow~ para naman akong nagba-bow sa royalty neto? Ang awkward!
“N-nagkita po ulit tayo. Ehe... Ehehehe ^^’” Sana ito na ang last. Pramis! Magpapakabait na ko. Kahit mahirap. Hehehe~
Ngumiti siya. Ay sabi na~ Pareho sila ng ngiti ni Lester at Katie. Kaya pala. Now I know.
“It’s nice to see you again. Palagi na nga kitang inaabangan sa park eh.”
“Eh? O.o ako po?” Ako na naman! Potek! Lagi na lang ako! Ano bang ginawa ko!
“I mean it in a good way. Anyway, magkakilala pala kayo nitong mga anak ko. Baby, come here nga. I miss you.”
Akala ko si Katie ‘yung lalapit. Si Lester pala. Baby?! Omo~ CUTE *u*
“Ma, you made me worried about you. Again. This time, ano na naman pong nangyari? Bakit po kayo na-aksidente?”
“Don’t worry about me, anak. I’m okay now. See? Maliit na gasgas lang naman ang nangyari sakin.” Tapos pinakita niya ‘yung maliit na pasa at sugat sa makinis at maputi niyang balat. Seyeng~ “Masyado lang naging OA ang Daddy mo. Look.”
Nag-roll eyes lang ‘yung foreigner. Siya nga ang Daddy ni Lester! Hala! Hala! Kelangan ko ng umalis bago pa bumaling... ang mukha niya... sakin... Paktay ka, Mara! TT____TT
“Who are you?” he demanded.
Ako ang iyong konsiyensa. Joke! Nagawa ko pang mag-joke sa kabila ng nangangatog kong katawan. English-in ba naman ako! Alam niyo namang mahina ako jan!
“I-i-i-i-i-i’m M-m-m-m-m-m-ma-ha-ra, s-s-s-s-ir...”
Ow meeeeen! Kill me now! Dapat pala Madara na lang sinabi ko! Mahara? Potek, ambaho!
His forehead crease. Ayan! Ayan! Ayan na ang sinasabi ko! Pag ikaw in-english nyan! Wala ka ng dugo paglabas mo! Hah!
MAMA TT_____TT PAPA TTOTT Ahuhuhuhu!!! U___U
“Mahara? Anong klaseng pangalan ‘yun? Nag-iba na ba ng kultura ng Pilipinas at ganyan ang ipinangalan sa’yo?”
Napanganga ko. Aba’t— Nagtatagalog si Koya! Linsyak!
“M-marunong ka po ng salita namin?”
“Of course. Ilang taon din akong nanirahan dito kaya natuto na ko ng language niyo.”
“Ah, talaga po? Mara po talaga ang pangalan ko. Medyo may bumara lang sa lalamunan ko kaya po Mahara ang nasabi ko. Sorry.”
Ngumiti ako. Ngumiti din siya. I blush O///////o tapos humawak ako sa railing ng kama kasi feeling ko nanlambot ‘yung tuhod ko. Potek! Sakanya niya namana ang ngiting ‘yon ni Lester. Grabeh! Pang-Million-dollar smile! Ghad! Anong klaseng pamilya ‘to?! Ibang klase! Anyway, ang gwapo-gwapo ng Papa ni Les my loves. Hihihi! Although mukhang mas matanda siya kay Papa, batang-bata pa rin ang itsura. Ganito ba talaga ang mga Germans? Kung ganon, maswerte si Lester.