Be My Girl – cHappy three
#Lunch Break; Cerberus Cafeteria
ASH: I can fix up your broken heart,
LEE: I can give you a brand new start,
ASH: I can make you believe. I just wanna set one girl free to fall,
LEE: Free to fall.
ASH: She’s free to fall.
LEE: Fall in love.
ASH & LEE: With me. My hearts locked and nowhere that I got the key
ASH: I’ll take her and leave the world with one less lonely girl...
Ngumiti si Lee. Napuno ng sigawan ang buong Cafeteria. Ang sweet ng magkapatid na ‘to. Ang ganda pa ng boses, no wonder sikat na sikat sila sa bansa. Pero pag nandito sila sa school, simpleng estudyante lang ang peg nila. Ganun ang turing namin sa kambal na yan pwera sa mga fans nila na hindi magkamayaw sa kasisigaw.
Ang swerte talaga namin, hindi lang kasi sila AshLee ang artista dito. Marami pa. Pero silang dalawa ang sikat na sikat. Pang-international din kasi ‘tong dalawa ‘to eh. So anyway, bakit ba kinukwento ko sa inyo ang kambal na ‘yon? Wala lang, may maikwento lang.
“PE na naman nga pala tayo pagkatapos nito ‘no? Tara palit na tayo.” Tumayo si Kim. Patapos na rin naman kasing kumanta ang kambal kaya siguro nag-aayaya na ‘to.
“Hintayin na lang muna natin sila matapos, konti na lang oh.” Angal ko. Gusto ko pang pagmasdan ang kagwapuhan ni Ash eh. Nakakainlove pa kung kumanta. Eeeehhh! Crush! Crush ko siyaaaa! Syeeet! Alabyooo na! Ngiti pa lang pamatay na. Eeeeehhhh!
“Ayoko nga. Alam mo naman si Sir Albert, ayaw nun ng late. Saka magkakaroon pa ng siksikan mamaya pag natapos ‘tong concert kuno. Let’s go na beybeh!”
Natinag naman ako kaya agad akong napatayo. Putek! Marinig ko pa lang pangalan ni Sir nangangatog na tuhod ko eh. Takot ko lang dun! “Sige na, beybeh!” tumayo na rin ako at sinundan palabas si Kim. She’s my classmate at partners in crime kami nito sa lahat ng pagkakataon. Mas close ako sakanya kaysa kay Thea but we’re close friends. Super cloooooose!
Paalam Ash beybeh, magkikita pa tayo. Pangako, irog. “Ay kurimaw!” nagulat ako kasi may bumangga sakin. Ouch ah!
“Ingat-ingat naman sa susunod koya~” sabi ko na lang saka nilampasan siya without looking at him. Badtrip ang peg ko.
“I’m... really sorry.” Narinig ko pang sabi niya kaya lumingon ako. Pero likod niya na lang ‘yung nakita ko at natabunan na siya ng mga estudyante sa Cafeteria.
Sumigaw ako. “Okay lang!” kung ‘di man niya narinig ‘yun ayos lang, basta nagreply ako. Nuks!
“Hoy babaitang negra, sinong kausap mo?”
“Maka negra ka ‘te! Porket pinalaguan ka ng gatas gumaganyan ka? Ahitin ko ‘yang kilay mo eh.”