SNOW SAYS --
Last A/N for this chapter. Ako naman ngayon ang magpapasalamat sa lahaaaaaaat ng readers ko na sumuporta sakin. Sobrang po akong na-touch. Kahit na hindi ako sikat na author (because I'm a low-profile person) still, pinagtyatyagaan niyo pa rin tong storyang to xD tiyaga talaga ang term eh. So anyway, sobra po akong napapasaya ng mga comments niyo. Para siyang vitamins, automatic na nagiging hyper 'yung utak ko pag may comment. Kay littlemissassy na walang palya ang comment, maraming salamat. Kay Adel, love you girl! at dun sa babaeng napatayo ko para magcomment, beautifulmonster17, thaaaaaaaaank you pooooo~ *winks* Sa mga hindi ko namention na nagco-comment, thaaaaaaank you poooo~ xD Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa ng series na 'to hanggang sa kahuli-hulihang member. At kay MARA SINDAC, naku kang babae ka! Mag-move on ka na! Siya masaya na, ikaw hindi pa! Utang na loob oh! (may pinaghuhugatan, pasensya na xD) Ayun lang, ay may special announcement pa pala ko.
AFTER MIDTERM KO IPOPOST ANG SERIES 2! HINTAY MODE ULIT TAYO READERS MEHEEE~ kelangan pagandahin para sa inyo XD
Here's the last Chap! Enjoooooooooooy~!
--------------------------
EPILOGUE
[Throwback]
It was a typical Monday morning. Nothing in particular about this day. Late na naman ako but I don’t mind.
Especially now. I automatically smile at the scene.
A girl is banging the gate of the school while calming her breathing. I wonder if that hurts? Bakal kasi ‘yung gate ng school.
Narinig ko siyang nagsalita. “Manong! Pabukas ng gate! Magre-report pa ko sa Physics!”
Natawa na lang ako sa lakas ng boses niya. Isang beses pa niyang tinawag ‘yung guard. Lumapit naman at hiningi ‘yung ID niya. Kaso naiwan niya yata. Sa huli, pinalayas siya ng guard dahil hindi daw siya taga-school.
Nakita kong nag-pout siya at naiinis na pinagsasagawan ‘yung guard. Lumapit na ko sa gate habang tawa siya ng tawa. Crazy but cute. She seems to be in a good mood kahit late na siya.
Napansin niya siguro ‘yung presensya ko kaya lumingon siya sakin. She’s beautiful. D.mn beautiful! I wanted to touch her soft skin, her soft and silky long black hair. Her eyes. Her gorgous eyes that seems to seduce me— alright, snap it out Lester.
I smiled at her and said, “A-ano? Kung may problema ka, pag-usapan natin.”
I saw her cheeks turned red. Thanks for my smile na nakuha ko sa ama kong playboy. Best asset.
Tinawagan ko si Locus para buksan ‘yung gate. I always have my way.
Nilingon ko siya pagkatapos at nginitian ko ulit. Siya ‘yung tipo ng taong ang sarap ngitian. OH well, siguro nga gusto kong magpa-impress.
Love at first sight it is.
“Tara.” Yaya ko sakanya. I wanted to hold her hand kaya lang ang awkward. Ngayon ko pa lang kasi siya nakita tapos hahawakan ko agad ‘yung kamay niya. I wanted it to take it slow. Eka nga, “Slowly but surely.”
Biglang bumukas ‘yung gate. “How did you—“ gulat niyang sabi.
Ang sarap palang magpa-impress sa babaeng gusto mo. Kung alam ko lang, matagal ko ng ginawa. Pero sana, hindi niya isipin na tumutulong lang ako. Magkaiba ‘yun. Hmm... kasalanan ko din naman kung bakit dahil madalas akong tumulong. Pero iba kasi talaga eh.