Be My Girl – cHappy eleven
MARA’s pov
No, no, no, no, noooooooo!!! Hindi ko sinabi ‘yon. Hindi. Wala akong narinig. Wala. Wala talaga.
Yeah, I like him. ‘Have a problem with that?
AAAHHHHHHH!!! TTOTT
Para kong timang na palakad-lakad dito sa hallway. Pinag-iisipan kong mabuti kung sinabi ko nga ba ‘yun. Pero niloloko ko lang ‘yung sarili ko. Dahil paulit-ulit nag-eecho ‘yung mga salita sa utak ko. Konti na lang mababaliw na ko. Ako, oo ako nga.
“Argh!” sinabunutan ko ‘yung sarili ko sa sobrang inis! “Okay lang kung crush eh. Okay lang talaga. Pero ‘yung gusto?! Ano ka ba naman, Mara?! Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo ‘yon, HA?!” okay, fine. Baliw na ko.
Tinuro ko ‘yung sarili ko. “Ikaw. Ang kapal kapal na mukhang mong sabihin kay Lester na gusto mo siya?! As if naman na pagtutuunan niya ng pansin ‘yung nararamdaman mo. Ni hindi mo man lang pinag-isipan ‘yung sinabi mo. Nagsisimula pa nga lang ang pagiging magkaibigan niyong dalawa, umabuso ka na? Pano na yan ngayon? Awkward na ang peg? Haay nako! *face palm*”
Hindi ko na alam gagawin ko. Nakakahiya! Kasalanan ko ituu! Me ang my big mouth!
Psh!
“Kung ganon, hindi mo na lang pala crush si Lester?”
“Ay kurimaw!— aray!” nagulat ako tas napahawak sa ilong ko. Napango yata ko. Nabangga kasi ko sa isang... unti-unti akong tumingala. GWAPONG NILALANG *Q*
“Huh? Kurimaw?”
“A-ah. Eh... H-hi Kendrew.” Sabay kaway-kaway. “Ehehehe~ N-narinig mo? Lahat-lahat?”
He adjusted his glasses then smirked. His signatured smirk. “Alin? ‘Yung pagsabi mo na gusto mo si Lester?”
Napakagat-labi ako. So, narinig niya nga.
“Akala ko ba matapang ka? Hindi ba, pinagkalat mo pa nga na may crush ka kay Les? Bakit? Ano bang pinagkaiba ngayon na gusto mo siya?”
“Malaki. Ni hindi ko pa nga alam sa sarili ko kung gusto ko siya eh. Basta na lang lumabas sa bibig ko na parang normal... na ‘yon.” Napatigil ako sa pagsasalita.
“What? Have you... realize something?”
Normal. Parang normal.
“You like him. That’s why its normal for you to say that thing. ‘Wag ka ng mag-isip. ‘Wag ka na ring mag-deny. Sasakit lang ang ulo mo.”
H-hindi nga? Kaya pala... kaya pala hindi na ko nag-isip ng mga panahon na ‘yon. Kaya pala, hindi na normal ang tibok ng puso ko pagnakikita ko siya. Kaya pala, iba ‘yung pakiramdam ko kapag nandyan siya.