Negative toxic people are the poison in our society.
Sa halip na manahimik nalang dinaragan mo pa yung bigat na dala ko. Doon kita inumpisahanang iwasan, masakit? Medyo... Naging kaibigan kita eh. Pero ayukong umabot sa puntong pati ako lasong-lason na sa ugali mo.
Nung una binalewala ko yung ganung ugali mo, pinilit kong intindi yun bilang kaibigan mo. Pero bakit ganun? Hindi ka manlang nakahalata?..
Tapos, bigla nagsisunudan yung mga ugali mo na inaamin ko noon pa nababawan ako sayo. Hindi ka nagaral ng mabuti, bumaba grades mo sabi mo saking mahina talaga foundation mo, okay given na yun pero pati ba naman hanggang pagtatapos wala ka parin bang natutunan?
Tapos nung grumaduate na naghanap ka kuno ng trabaho sabi mo di ka matanggap- tanggap dahil taga probinsiya ka lang, sa isang di sikat na pamantasan ka lang nagtapos na may pang suma na grades... "Sumabit sa cutoff.. " nasabi ko nalang sa sarili ko, bat ako? Parehos lang naman tayo ng pinangalingan ah..
Kung nakaya ko, kaya mo rin pero iba ka eh. At lalo akong nabadtrip sayo dahil doon. Iniwasan kita dahil ayuko nang maging kaibigan mo. Iniwasan kita dahil pati ako naapektuhan na sayo, iniwasan kita para makaramdam kang may mali sayo. Hindi kita iniwasan dahil sa wala akong kwentang kaibigan na walang magawang mabuti sayo. Iniwasan kita dahil gusto pakiramdam ko wala akong naitulong sayo para mabago ka at sobrang sakit nun para sakin bilang kaibigan mo. Bago pa ko lalong masaktan at masira yung respeto at pagmamahal ko bilang kaibigan sayo lalayo na ko. Hanggang sa muli. Salamat.