Fixed

1 0 2
                                    

Sa magulong parte ng buhay ko una mo kong nakilala ng tunay. Magkilala lang tayo noon, hindi ganun ka close until one day bagyo noon wala akong payong, gusto ko nang sumuko sa lahat-lahat... Niloko ako ng taong mahal ko kasabay noon nabigo ko yung mga taong naniniwala sa kakayahan ko, bagsak ako sa board exam matapos akong magsikap ng isang taon sa review. Kinapos yung effort ko, kaya pala pati yung minahal ko nakulangan din sakin ayun naghanap din ng isa pa. Sa hindi ko malamang dahilan, marahil siguro ikaw yung pinakamalapit na taong kakilala ko sa lugar na yun kaya ikaw yung unang tinext ko. Hindi ako umaasang may tutulong sakin pero hindi mo ako binigo, dumating ka kahit walang payong. Handa kang mabasa at damayan ako sa lahat ng kabiguhang nadadama ko ng mga panahong yun...

Salamat dahil nanjan kang nakaalalay nang mga panahong pinipilit kong bumangon. Salamat kasi hindi mo ako sinukuan. Salamat dahil naniniwala ka na kaya kong abutin ang mga pangarap ko. Salamat sa hindi pagaalis behind all those flaws. Kahit hindi kasing ganda ng iba, kasing talino nila, kasing galing magayos at pumorma tulad ng ibang babae, hindi kasing ganda ng kamay ng ibang babae dahil sa paglalaba at puno marka ng paso dahil sa pagluluto, hindi kasing puti ng mga nagagandahang dalaga rito, minahal mo parin ako. Tinulongan mo kong ibalik yung tiwala ko sa sarili, ikaw yung rason kung bakit naniwala akong muli sa pag-ibig. Ikaw yung rason kung bakit sa halip na umalis ako at takbuhan lahat ng problema ay nandito parin ako pilit na lumalaban kahit mas madaling umalis at magsimula ulit ng bago sa ibang lugar. Sa dami ng lalake sa mundo, kahit na gaano pa kadaming lalake ang nariyan at mas hihigit pa sayo, kahit na gaano pa kagwapo ang lalaking ihaharap sakin. I'll never look at them the way I look at you, the way I look in to your eyes...

Shout outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon