Lahat ng taong nagustuhan ko, may iba ring gusto.
Lahat ng taong naging special sakin, kahit kailan hindi ko naramdamang ganon din ako sa kanila.
Wala na ba akong karapatang sumaya?
Pano naman ako?
Noon pagtinatanong ako kung nagkaboyfriend na ko proud na proud pa kong sumagot ng "wala pa dahil wala pa kong balak at pag aaral muna ang iniisip ko." Sa edad ko naman ngayon, pag tinatanong ako kung nagkaroon na ko ng boyfriend halos mamula ako sa hiya sa tuwing umaamin ako na wala pa.
Ngayon ko naiisip kung talagang hindi ba nagsisinungaling ang mga magulang ko sa tuwing tinatanung ko sila kung pangit ba ko? At sa tuwing sinasagot nila ako na hindi, napapaisip ako sinasabi ba nila yun dahil anak nila ako? O talagang may mukha naman ako?
