Tinanong kita kung meron na bang iba? Nagbabakasakali ako na sagutin mo ako na wala at ako lang pero sinabi mong "ayukong sagutin yahn baka masktan ka lang..." Napangiti nalang ako sa sakit na nararamdaman ko, pilit na kinokontrol ang mga luha na magbabadyang patulo na. Natahimik ako, natahimik tayong pareho... Ito na ata ang may pinakamasakit na katahimikang narinig ko sa buhay ko, hindi naman tayo ganito dati eh. Masaya tayo, puno ng kwentuhan di tulad ngayon walang away pero puno ng ilangan... "I told you layuan mo na ako bago pa kita masaktan.." ang wala sa sarili mong nasabi sakin, napalingon nalang ako sayo pilit na inaalala na sinabi mo yun sakin kasabay ng pagalala ko sayo na handa akongmasktan dahil mahal kita.
