Feu

3 0 0
                                    

Naalala mo pa ba yung time na ako lagi yung kasama mo? Yung ako lagi nagpapatawa sayo? Ikaw ba hindi mo yun namimiss? Kasi ako, miss na miss ko na... Ang totoo na mimiss na kita.

Namimiss ko yung mga araw na puro tawanan lang, na puro kalokohan lang. Namimiss ko yung mga oras na hindi pa tayo nagkakaroon ng responsibilidad sa pamilya natin at sa kahit na sino, yung hindi masiadong magulo ang lahat...

Walang naiiwan at walang mangiiwan...

Yung oras na uhugin pa ko tapos ikaw laging napipingot ng teacher sa kalokohan mo tapos sabay tayong uuwi noon na may dalang cherry na ninanakaw natin doon kanila aling A*****. Naalala mo pa ba yung hinahabol tayo lagi ng aso nila tapos aakyat tayo sa puno ng bayabas para hindi tayo makagat nung aso nila? Namimiss ko yun.  Namimiss ko yung araw na doon ka matutulog samin dahil nagaway nanaman ang nanay at tatay mo, tuwang tuwa ako noon kasi sa tuwing nandoon ka inuutusan tayo ng nanay ko lagi na bumili ng ice cream, natutuwa talaga ako lagi kasi yun yung oras na hindi nagiging makunat ang nanay ko.

Sana naalala mo pa yung oras na nagaway tayo nung high school na tayo. Isang linggo tayo hindi nagpansinan noon sa hindi ko na maalalang dahilan. Tapos ikaw yung unang nagsorry kaso epic fail yung peace offering mo ang  luwang nung bracelet na ginawa mo, gusto ko lang sabihin sayo na nasasakin parin yun kahit sira na... At wala nang pagasang maayos pa...

Kaya ba niyakap mo ko nung graduation natin? Kaya ba ang bait bait mo na sakin ng last year na natin noong high school? Dahil aalis ka pala at wala kang balak magpaalam. Nagalit talaga ako sayo noong oras na yun dahil ako lang pala ang hindi nakakaalam na aalis kana at baka hindi ka na bumalik pa. Hanggang ngayon naiinis parin ako sayo sa tuwing naalala ko hindi mo sinabi sakin ang lahat. Bestfriend mo ko eh, dapat alam ko...

Ako yung karamay mo ng mahigit 14 years. Ako yung laging nanjan kahit ayaw mo, kahit pinagtatabuyan mo, yung laging nanjan na tutulong sayo kahit hindi ka humingi ng tulong kasi kaibigan kita at  mahal ko ang kaibigan ko. Alam ko masiado kong pinagpipilitan yung sarili ko sayo eh, wala akong magawa eh kasama ka na ng buhay ko hindi ako completo kung wala ka...

Sabi ko hihintayin kita kahit malabo daw na makabalik ka pa dito ng buhay, basta maghihintay ako para sayo Kiko... Kaya lumaban ka, wagkang susuko andito pa ko naghihintay sayo . Wagmo akong iiwan dahil hindi ko pa kaya...

Magpagaling kang mabuti para makauwi kana, magpagaling ka dahil hindi mo pa naririnig ang sasabihin ko. Magpagaling ka dahin andito pa ko naghihintay lang sayo...

Shout outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon