Mapapagod rin ako

2 0 0
                                        

Yung tayo parin, pero sinasanay ko na ang sarili kong mag move on sayo...

Mahal kita, minahal ng tunay. Nakita mo kung gaano kita pinaglaban sa mga magulang ko. Nakita mo kung gaano kita patawarin matapos kitang mahuling manloko ng ilang beses sakin. Nakita mo kung papaano kita muling pagkatiwalaan matapos mong sirain. Naramdaman mo kung papaano ko alagaan yung relasyong meron tayo sa higit na dalawang taon. Sana naramdaman mo yung pagmamahal na ibingay ko sa iyo. Sana mahal, kahit kunti manlang na effort madama ko sayo, dahil sa totoo lang napapagod na ko.

Napapagod na akong mamalimos ng atensyon mo. Napapagod na akong patawarin ka at pilit kang intindihin sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa mo. Napapagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sayo.

Shout outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon