Nagmemerienda ako nun nang may humingi ng nung Lala na kinakain ko.
Natawa ako dun sa humingi sakin nung lala kaya binigay ko nalang. Tapos tumawa rin ako nung tumawa sila. Pagkalingon ko bigla, nagulat ako kasi nakalingon ka rin pala. Medyo nagulat ako hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung kanina mo pa ko tinitignan pero talaga, hindi ko alam na nakatitig ka na pala. Tapos bigla kang gumiti na parang natatawa, ewan ko pero sa mga oras na yun parang nawala lahat ng tao sa paligid... Pakiramdam ko parang tayo lang yung naroon, ang layo mo sa kinaroroonan ko pero pakiramdam ko ang lapit lapit mo nung mga oras na yun. Natawa ako kasi natawa karin. Ganun na nga siguro hanggang titigan nalang siguro tayo...
