noong ako pa

2 0 0
                                    

Ilang taon na ba? Isa? Dalawa? Tatlo?  Halos magtatatlong taon na kaming hiwalay ngunit hindi ko parin siya makalimuntan. Sinubukan ko siyang palitan pero yung mga dati niyang ginagawa, pilit parin akong pinipilit na hanapin siya sa kanila. Para siyang bangungot sa gabi na gugustuhin kong wag nang magising pa. Ganon talaga siguro pagnakita mo na yung taong ipaparamdam lahat sayo kung gaano ka kaimportante sa kaniya, kung gaano ka niya ka mahal, at kung gaano niya ka handang tanggapin ka sa kahit anong kagaguhang meron ka na pwede mong ibato sa kaniya. Pero sinayang ko, masiado akong naging kampante. Masiado akong nagtiwala sa sarili ko na kahit anong gawin ko hindi niya ako iiwan na siya namang pinaramdam niya sa akin. Naging abusado ako, nakalimutan ko yung mga simpleng bagay na kahit ganoon kaliit ay napapasaya na siya. Nakalimutan kong tao lang din siya napupuno at nasasaktan.

I did, take her for granted and that is the most stupid thing I've done! Ilang beses niya akong pinatawad? Ilang beses siyang nadisappoint sakin pero tinanggap parin ako? Hindi ko na mabilang. At ayuko nang bilangan dahil naalala ko kung gaano ako ka gago sa mga panahong iyon.  Isang araw nagising nalang ako wala na siya. Isang araw pinuntahan niya ako umiiyak habang sinasabi niya " Pagod na ako. Ayuko na. Ubos na ubos na ako..." Sa sobrang tiwala ko sa sarili ko na akala ko isang normal na mood swing niya lang yun hinayaan ko siya. Dahil akala ko kinabukasan tulad ng dati ay babalik siya, kakatok sa pintuan ko tapos yayakapin ako ng mahigpit at sasabihing " Pasensya na kahapon. Tinotopak lang talaga ako."
Pero dumaan ang araw hanggang sa naging linggo kinabahan na ako doon sinubukan kong tawagan siya naging out of reach na ang numero niya. Hinanap ko siya sa mga kaibigan niya maging sa bahay nila pero ni isa sa kanila ay walang nagsabi kung saan ko siya makikita. Lahat sila, sinasabing tama na. Hayaan ko nalang siya. Hayaan ko nalang siyang buoin mula ang sarili. Haayaan ko na siyang mahanap ng iba na itratrato siya ng tama.

Masakit palang isipin na all this time siya lang naniniwala sa akin, na lahat sila gustong ipakita sa kaniya kung gaano kagago ang isang tulad ko para sa isang tulad niya. At doon sumuko na ako. Baka tama nga sila, baka hindi talaga ako yung para sa kaniya. Baka tapos na yung ibinigay saking pag-asa pero sinayang ko.  Sinayang ko yung isang babaeng pangaltar na sana. Sinayang ko lahat ng chances na meron ako dahil sa pagiging makasarili ko...

Ngayon matapos ang ilang taong hindi ko inaasahang makita siya. Ngayon, nakaramdam ulit ako ng sobrang kaba habang pinagmamasdan siya. Nawala lahat ng lakas ko sa katawan ng masilayan ko muli ang kaniyang mga mata.  Meron sa puso ko ang nagalak habang pinagmamasadan siya sa di kalayuan. Mas lalo siyang gumanda. Mahaba na ang kaniyang mga buhok mas lalo siuang naging pala ngiti at pala tawa.

Sa muli kong pagsulyap sa kaniya nakaramdam ako ng libo-libong panghihinayang.  Ano ba't napakatanga kong pinakawalan ang isang tulad niya? Nakaramdam ako ng inggit sa lalaking kahawak kamay niya habang karga ang isang maliit na batang kamukhang kamukha niya. Nakaramdam ako ng panghihina habang naiimagine ko yung pagyakap niya sakin, yung malambing na paghaplos niya sa pisngi ko sabay tingin sa mga mata ko at sasabihan ako ng " I LOVE YOU"   tatanungin ako ng " KUMUSTA ANG ARAW MO?" imomotivate niya ako nang " NANINIWALA AKO SAYO, MANIWALA KA RIN SA SARILI MO" ngayon ay ginagawa na niya sa iba. At kung iisipin ko pa ang mga iba pang simpleng bagay na ginagawa niya noon na hindi ko nakita ay baka mabaliw na ko sa sobrang selos at sakit na nararamdaman.

Bea, alam kong masaya ka na. Hindi na ako mangugulo pa. Gusto ko lang sabihing SORRY. Gusto ko lang hingiin ang kapatawaran mo pero naduduwag akong magpakita sayo, naduduwag akong makita ang sarili ko kung gaano ako ka kagago at hinayaan lang kitang mawala. At higit sa lahat, natatakot akong makita mo ako kung gaano ako kamiserable ng iwan mo. Alam ko kasalanan ko lahat ng nangyayaring ito sakin. At habang buhay ko yung pagdudusahan hanggang sa mamatay ako. Salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo noon . Salamat sa pagmamahal na ibingay ko kahit hindi ko yun deserve. Salamat. Aalis na ako sa susunod na linggo. Masaya ako't nakausad ka na. Sana makaya ko rin tulad mo na pakawalan na lahat ng ala- alang inukit mo sa puso ko. Salamat. At sa huling pagkakataon sasabihin ko " mahal pa rin kita"

Shout outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon