Kung hindi lang sana ako duwag. Kung ganon lang sana ako katapang tulad niya, di sana ako yung katabi mo ngayon, yung kahawak kamay mo, yung sasandalan mo sa balikat habang nagkwekwento ng lahat ng nangyari sayo boung araw. Sana ako pa rin, yung taong tatawagan mo pagnagaway na naman mga magulang mo. Kung naging matapang lang ako at nasabi ko sayo kung pano nagumpisa lahat ng to.
Nakalimutan mo na siguro hayaan mo ipapaalala ko, simula to nung pahiramin mo ko ng lapis nung grade school at naging magkaibigan tayo. Hanggang paguwi magkasabay tayo, nagshashare ng baon tuwing recess. Naalala ko kung kilan yung unang dalaw ko sa bahay niyo ang sama ng tingin sakin ng tatay mo samantalang yung nanay mo laging kinukurot yung pisngi ko. Ang saya niyo pa noon eh, walang magulo, hindi ka nasasaktan emotionally. Natatawa ako sa tuwing naiisip ko king pano mo kulitin ang tatay mo na samahan akong magpatuli dahil asa ibang bansa ang tatay ko, tapos naalala ko pagkatapos nung nakakatakot na sandaling yun sinabihan ako ng tatay mo na wag daw kitang paiiyakin kung hindi mararanasan ko daw ulit kung pano matuli.
Hanggang sa dumating tayo sa high school at tinuring mo kong bestfriend mo. Ako pa nga partner sa prom eh, hindi ko makakalinutan yun dahil ikaw first at last dance ko. Sa totoo lang sobrang ganda mo nun sayang hindi ko nasabi sayo, sinabihan pa kitang mukhang espasol at wag mo nang uuliting magayos ng ganyan dahil hindi ko matangap sa sarili ko na mas lalo ka pa palang gaganda. Natakot ako na baka may manligaw sayo pagnakita ka nilang mas lalong gumanda. Bantay sarado kita nung high school, ewan ko nga kung bakit di mo nahalata alam ng lahat na may gusto ako sayo pero ikaw ni hindi manlang nakatunog kahit nalaman mo man lang sanang naging crush kita. Nung senior year natin ako yung nagbigay ng maliit na teddy bear sa upuan mo, akala mo si Ivan yun kaya sakanya ka nagpasalamat okay lang tinanggap ko na hindi ikaw yung nagpasalamat sakin kasalanan ko din dahil hindi ko inamin. Tapos biglang gumulo lahat sa buhay mo, nagaway mga magulang mo laging naglalasing ang tatay mo tapos magsasakitan sila ng nanay mo. Nung mga panahong yun ako lagi ang pinupuntahan mo, yayakapin ka ng nanay ko tapos ipagluluto ka niya ng sinigang tapos buong araw tayong maglalaro sa Playstation ko o kaya mag momovie marathon tayo hanggang sa sumapit yung hating gabi susunduin ka ng tatay mo. Alam ko lahat ng kalungkutan mo, tatawagan mo ko tapos kunwari sasabihin ko inaantok na ko tapos sasabihin mo hayaan ko lang saka ka maglalabas ng kung ano-anong sama ng loob mo.
Tapos nung mag college na, bigla kayong umalis ng mama mo. Siempre hinanap kita, pero bigo ako. Lahat ng alam kong lalapitan niyo kinausap ko, pinagtanungan ko. Hindi mo manlang ba ako naalalang lapitan ng panahong yun? 2 years kang nawala andaming nagbago pero yung puso ko. Ni hindi natinag pagsigaw ng pangalan mo. Nagulat nalang ako bigla nang nagpop out sa list ng friend request ko ang bagong account mo. Wala na atang mas nakakadurog pa nang makita ko yung nasa profile picture mo. Para akong tanga sa paghihintay sa wala, hindi na pala dapat ako naghanap dahil wala naman akong nawala..
3rd year college bigla mula sa palike-like ng status ko, chinat mo ko. Nagulat ako at nasaktan kahit hindi nalang bilang lalaki na may gusto sayo kundi bilang lalaki na naging bestfriend mo. Nasaktan ako ng sobra dahil sa halos dalawang taong hindi ka nagparamdam at magiisang taong ipinaalam mo sakin anjan ka parin, ni hindi mo manlang ako masabihang na miss kita. Pero tanga kasi ako, wala eh. Mahal ko eh. Tinanggap uli kita at inaccept ko ulit ang pagiging kaibigan mo lang.
Hindi ko alam kung talaga bang isa akong dakilang tanga, o talagang masokista sa ginagawa ko.Before graduation pinakilala mo siya sakin pinilit mo pa kong maging bestfriend din siya, kahit ayuko kahit masakit umoo nalang ako. Mas madali kasing sumunod nalang kesa sabihin ko pa sayo yung rason kung bakit ayaw ko siyang makita kahit na ang totoo ay hindi kolang talaga gustong makita kung gaano kayo kabagay sa isat-isa. Hindi ko ata kakayanin yun. Naalala ko pagnakaalis na siya ikwekwento mo sakin kung gaano ka niya napapasaya, kung gaano mo siya ka mahal at kung ilang beses na ipinaramdam niya sayo na lahat ng yun ay totoo. Ako rin naman, kayang kaya kong gawin lahat ng yun para sayo. Nagkataon lang na isa akong torpe na nastuck sa lugar na tinatawag nilang friendzone. Kung sinabi ko sayo noon may magbabago pa kaya ngayon?
Dumating yung time na nagaway kayo at pinuntahan mo ko. Pangit mang pakinggan pero meron at merong isang porsyento sa puso kong natuwa dahil umaasa parin ako na baka sakali pwede tayo. Dumaan pa ang mga ilang araw mas lalo kang naging misirable, lagi kang wala sa sarili mo halos sirain mo na nga buhay mo dahil sa away niyong dalawa na yun. Lagi kang asa bar umiinom ng magisa, magugulat nalang ako dahil lagi ako tatawagan ng kung sino mang kasama mo sa bar na umiinom sasabihing lasing na saling ka na.ganon mo ba talaga siya kamahal? Na kaya mong itapon nalang yung buhay mo dahil sa kaniya? Pano naman ako? Hinabol ka niya. Oo, alam ko dahil pati ako hinahabol niya para lang magkaayos kayo. Dumating pa nga yung puntong pati ako halos luhodan na niya makausap ka lang, makapaghingi manlang ng sorry dahil alam niyang nagkamali siya. Pagkakataon ko na sana na maagaw kita sa kaniya eh, pero dahil sa martyr ako tinulongan ko pa siya para magkaayos kayong dalawa.
At ngayon ito na ang huling hahawakan ko ang kamay mo papalapit sa altar.Hindi ko man masabi sayo pero napakaganda mo ngayon, ikaw na yata ang pinakamagandang babaeng nakita kong nakasout ng trahe. Ang laki na pala ng pinagbago mo, mula sa uhuging best friend ko nung elementary na nangangamot ng ulo hanggang sa babaeng isinayaw ko nung prom at ngayon ay kasabay kong maglakad papalapit sa altar. Masiadong malayo na talaga ng nagagawa ng panahon Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano katamis ang mga ngiti sa iyong labi ngayon habang papalapit sa kaniya na kanina pang naghihintay sa pagdating mo sa bawat papalapit na hakbang lumuluwag ang mahigpit na kapit mo sa braso ko hanggang sa tuluyang sumama ka na sa kaniya at ako'y naiwan dito sa gitna pinapanood kayong maglakad sa harap ng pari. Muli ay lumingon ka sakin at nagpasalamat kasabay nito ay ang pagbigay ko sayo ng pinakamatamis na ngiting makakaya ko habang kaya ko pang pigilin ang sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos nito hindi na kita pwedeng mahalin pa, pagkatapos nito papalayain ko na ang sarili ko, paalam na mahal ko...