Ikaw yung matatawag kong " what if " sa buhay ko. Ikaw yung nagiisang taong pinagsisisihan kong binitawan.
Nakita ko uli kayo nung Oct 10 ng umaga, hawak mo yung kamay niya tapos nakangiti kang nakaharap sa kaniya ni hindi mo ko napansing nasa gilid lang nakatingin sa inyong dalawa. Hindi ako okay sa mga nakita ko, pero wala akong magagawa. Ako ang may kasalanan iiwan kita para sa pangarap ko, wala akong karapatang magselos sa inyong dalawa dahil tapos na tayo. Ayukong maging selfish, masaya ka na, nagagawa mo nang makangiti nang wala ako at dapat masaya ako para sayo.
Tapos dumating yung araw na hinihintay ko, nakaalis ako at ngayon patuloy na hinahabol yung pangarap ko. Masaya naman ako ngayon, masaya dapat pero pakiramdam ko laging may kulang... Laging may mali...
Hindi naman ako nagbago, eto parin ako yung taong minahal mo noon na laging nakangiti at pinipilit kayanin ang lahat, laging nagbibigay tuwa sa lahat ng tao. Hangga't makakaya kong ngumiti gagawin ko pero pagwala na ang lahat at magisa nalang ako lagi kong naiisip, what if hindi ako bumitaw? Nariyan ka parin ba? Magiging masaya parin ba tayo kahit di mo ko laging nakikita? Kahit di kita madadamayan sa mga oras na kialangan mo ko? Ako parin ba kayang mamahalin mo kahit abutin pa ng sampong taong hindi mo ko mayayakap, ni hindi mo maaninag ang anino ko? Magiging loyal ka parin ba sakin?
Sabi nila bata pa tayo, marami pang taong dadaan sa buhay natin at marami pang taong magmamahal satin ng totoo pero bakit pakiramdam ko yung taong magmamahal ng totoo sakin ay napakawalan ko na? What if ikaw na? Tapos wala na palang dadating.. What if walang dadating na mas makahihigit pa sayo? Pano naman ako? Laging naglalaro sa utak ko ang mga tanong na yan bago matulog patuloy na iniisip hanggang sa dumating ang umaga at kialangan ko ng bumangon sa realidad na hindi na magiging tayo at kailangan ko nang tumayo at magpatuloy ng mag-isa...