Para sayo mahal ko.
Sabi mo, walang bibitaw, sabi mo kapit lang malalagpasan din natin lahat, sabi mo gusto mo kong makasamang tumanda. Pero bakit ganun ang nangyari? Bigla nawala lahat ng pangako mo. Binigla mo ako sa pag-alis mo. Iniwan mo nalang ako na para bang walang nangyare, na para bang wala lang ako sayo, na kahit minsan hindi ako naging parte ng buhay mo.
Mas nagulat ako ng makitang may iba ka na agad. Nagulat ako kasi parang ang dali dali lang sayong itapon yung tatlong taon! Tatlong taong pinagsamahan natin! Ang sakit kasi eh. Ang sakit sakit kasi pinaasa mo ako sa lahat ng salita at gawa mo. Ang sakit kasi, nilihim mo lahat sakin. Na hindi mo sinabi na naiipit ka sa bagay na ayaw mo. Na hindi ka na pala masaya sa kung anong meron tayong dalawa...
