Nagaantay parin ako.
Nagaantay parin ako sa pagdating mo.
Nagpupuyat parin ako gabi gabi, nagbabakasakali na baka kahit isang saglit lang maalala mo ako.
Na mamiss mo rin ako.
Na magising ka tapos marealize mo na, ako parin ang mahal mo.
Kahit hindi na ako nagchachat sayo o nagttxt paulit ulit ko paring binubuksan yung mga huling paguusap natin.
Pilit na binabalikan yung mga panahong okay ang lahat.
Mga panahong masaya pa tayo.
Limilingon parin ako, pag nadadaanan ko ang bahay niyo.
Nagbabakasakali na nandoon ka, kahit hindi mo na ako makita basta makita lang kita okay na ako.
Tumatambay parin ako sa jollibee at mcdo kung saan madalas tayo magkita, umiikot sa mall baka kasi maisipan mong mapadaan tapos makita kita doon.
Hidi parin ako napapagod maghintay sayo.
Hindi parin ako napapagod magmahal.
Hindi ko parin magawang lumingon sa iba.
Ikaw parin talaga.
Kaya kahit gaano kahirap at kasalimoot ang maghintay... Gagawin ko. Hihintayin kita sa susunod na araw, linggo, buwan o taon hanggang sa puso ko na mismo ang sumuko.
Hihintayin kita hanggang sa mapagod ang puso ko.
Hangang sa maalala mo ako, baka sakaling tumakbo ka pa balik saakin.