Eraser

14 0 0
                                    

Natapos na yung board exam.

Nakakadissapoint ako, pakiramdam ko isa akong failure. Ang daming kong taong pinaasang papasa ako at higit sa lahat nasaktan ko ng sobra ang mga magulang ko.

Ilang beses kong chineck yung pangalan ko sa listahan pero tulad ng nauna wala. Wala akong pangalan..

Nakapanpulumong hindi mo napagtagumapayan yung pinaghirapan at pinagpursigihan mong abotin, napakasakit sa pakiramdam na hindi ka nagtagumpay.

Masiadong napakaraming taong nagsacripisyo para sakin. Lahat ng effort nila nauwi lang sa wala. Masakit pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang lahat.

Ma, Pa, sorry kung nabigo ko kayo. Sorry kung isa akong failure. Sorry kung hindi ko nagawang pasiyahin kayo, ang dami niyo nang sinakeipisyo pero heto parin ako, isa paring failure sa harap niyo. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, ang importante ay kayo, kayo na laging nanjan para sa akin.

Kahit ilang beses kong tanggapin na bagsak ako. Bakit ganun? Ang sakit parin sa pakiramdam? Yung pagmakikita mo yung nga kasama mong pumasa tapos ikaw lang yung hindi, hindi mo maiwasang ikumpara ang sarili mo sa iba. Hindi mo maiiwasang maingit kahit alam mong mali ang maingit sa kanila. Ginawa mo rin yung best mo. Nagpuyat ka rin naman tulad nila. Pero bakit isa parin akong failure hanggang ngayon?

Finally, nakauwi ako then my mom hugged me. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak sa harap niya, patuloy na humihingi ng sorry, nadisappoint ko kayo...

Days pass by, nakaipon ako ng lakas ng loob para sumabak ulit sa bagong review I think my failure has been a blessings in disguise dahil nabagsak ako, nakita ko yung mga taong totoo sakin. Nakita ko yung taong nanjan handang nakasupporta sakin sa mga oras na mahina ako at sobra akong nasaktan. My failure has been the most heartbreaking moment in my life. Mas masakit ang bumagsak kaysa ang maheartbroken. Maybe nasasabi ko to dahil hindi ko pa natry ang mapasok sa isang relasyon nasasabi ko to dahil dito ko lang iniikot ang mundo ko. Dito ko inilalaan ang halos lahat ng oras ko, I have never been devoted to anything more than this... And yet I still failed.

I remember those persons who judge me and downgraded me nung nalaman nilang bumagsak ako. Yung mga taong inaasahan mong nanjan para sayo sila pa yung taong tatalikuran ka, sisisihin ka at dadagdagan yung bigat na nararamdaman mo. Gusto kong magalit sa inyo pero hindi ko magawa, nalulungkot lang ako na hindi ko na kayang maging malapit sa inyo, nalulungkot ako na hindi ko na kayo pweding lapitan. Nalulungkot akong malaman na ganun kayo kababaw. It was such a heartache hut don't worry I'll stand up and fight again.

Nasaktan ako pero okay lang, ganun talaga ang buhay ang mahalaga ay hindi ka sumusuko. Kung hindi ako nabagsak hindi ako magiging ganito kalakas ngayon. Hindi ko malalaman kung papaano ihandle ang sakit at kabiguan. Kung hindi ako bumagsak hindi ako magiging ganito katapang para harapin ang kahit na ano pang paparating.

Shout outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon