Epic

1 0 0
                                    

Sinabi mo sakin,

Ginawa mo na lahat para mahabol ako.

Talaga?

Lahat talaga ginawa mo?

Bakit hindi ko naramdaman yung pagiging sincere mo?

Sabihin mo nga sakin, talaga bang ginawa mo ang lahat?

Kasi di ko yun naramdaman sa effort mong pagttxt at tawag lang.

Nakakapagod intindihin kung ano man yung dahilan mo kung bakit hanggang doon ka nalang.

Alam mo naman kung saan ang bahay ko.

Alam mo kung saan ako nagtratrabaho.

Alam mo kung sino-sino ang mga kaibigan ko.

At higit sa lahat alam mo kung nasaan lang ako.

Andito lang naghihintay ng seryosong paghingi mo ng tawad.

Pero wala, sumuko ka na agad.

Hindi ko naman yun pinapatagal eh, ikaw lang tong hindi marunong ayusin ng maayos ang gusot.

Hindi ako nagmamaataas sayo, sadyang pagod lang ako.

Pagod lang ako na ako nalang lagi yung lumalapit pag nagkakaproblema tayo.

Pagod na akong intindihin ka sa sitwasyon ngayon.

Pagod na kung ibaba yung standard ko para sayo.

Pang ilang beses mo na to, at ayuko ko nang magmukhang ako pa yung nagmamakaawang ayusin natin to.

Nasayang lang yung 4 years ng buhay ko sayo.

Shout outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon