Gusto kong umalis, magpakalayo-layo. Mapunta sa lugar na walang nakakakilala sakin. Gusto kong idelete lahat ng social media accounts ko, iwan ang celphone ko sa basurahan kasama ng sim card tapos umalis ng bansa, pumunta ng ibang lugar na ako lang magisa at walang nakaka alam, walang nakakakilala ... Napapagod na ako sa lahat ng tao, napapagod na akong masaktan, magtiwala tapos patuloy na lolokohin lang... Napapagod na akong mabuhay. Nakakapagod maging tao. Nakakapagod magpanggap na okay ka lang, masaya ka lagi ... Nakakapagod maging ako.
Gusto kong maaksidente mawalan ng malay, macoma ng mahabang panahon maging manhid sa lahat ng nararamdaman. Gusto kong matapos na lahat lahat... Ayuko na. Sawa na ako. Akala niyo lang masaya ako dahil lagi akong nakangiti. Laging nandiyan nagpapatawa... The real thing is, wasak na ako, wasak na wasak at hindi ko na kaya pang ibalik yung mga peices na sobrang durog na.
