Hindi porket gwapo ka at hinahangaan ng lahat ay may karapatan ka nang hamak-hamakin ang itsura ko. Oo. Hindi ako maganda at lalong walang-wala ang ayus ko sa ibang babaeng nagkakandarapa sayo pero hindi ko yun ikinakahiya, mas gugustuhin kong magmukhang totoo kesa sa magpanggap sa lahat ng tao. Maaring wala pa kong mapapatunayan sa ngayon, wala akong maipagmanalaki at higit sa lahat wala ako ng lahat ng bagay na gugustuhin mo sa isang babae. Sige lang tumawa ka lang, pagtawanan mo ako ngayon, habang nakikita mo pa ako sa ganitong lagay matuwa ka pa dahil kaya mo pa ako ngayong saktan. Sulitin mo na ngayon lahat-lahat dahil sa susunod na makakasalamuha mo ko sisiguraduhin ko na manghihinayang ka ng maraming beses habang ako wala na akong pakialam sayo.
