Dedicated kay AdrianneBasas ;) Oh ayan na teh ! Sabi mo hinihintay mo na ee. Mwah mwah Tsuptsup :*
PROLOGUE
Pansinin niyo...napakablis na talaga ng takbo ng panahon, 'no? Masyado nang maraming pagbabago ang nangyari sa mundo natin, sa paligid natin. Modern na nga kumbaga. Meron pa ngang pagkakataon na nakakalimutan na natin ang mga tradisyon natin, ang mga nakasanayan natin, ang mga bagay na ginawa ng mga ninuno natin matagal na panahon na ang nakalipas.
Marami na ang nauuso. Mga bagong salita, bagong paraan ng pananamit, mga gadgets, at marami pang iba.
Sa gadgets, ang madalas nating gamitin ay ang...
"Cellphone"
Meron pa bang tao dito sa mundo ang walang cellphone? Sigurado akong kakaunti na lang. 'Yan kasi ang ginagamit natin kapag gusto natin ipaabot ang ating mensahe sa mga taong malalayo sa atin. Napakadali kasing gamitin, napakadali ring dalhin.
At ang isa pa ay ang...
"Computer/Laptop"
Napakahalaga nito para sa mga nagtatrabaho at mga mag-aaral. Madalas itong ginagamit kapag gumagawa ng reports para sa opisina, o kaya naman pag gumagawa ng assignments natin sa school. Sa dami ng applications na meron dito, pwede rin mag-edit ng litrato. O di ba ang galing ?
Ano pa ba ang ibang gamit ng computers/laptop?
Ahhh.. "Internet"
Sa panahon ngayon, diyan na ata tayo nakadepende. Kahit sa school, hindi pwedeng kahit isang beses ay hindi mairequire ng teachers/professors niyo na gumamit ng Internet. Mas marami daw kasi ang makukuhang kaalaman sa Internet. Psh ! Dagdag kaalam pwede pa. Mas maganda nga na magbasa na lang ng libro. No hassle para sa akin. Nabobobo kasi ako sa paggamit ng computers. Hehehe.
Anyways, anong site ba sa Internet ang hindi masyadong related sa pag-aaral?
Ahhh...ung mga sikat ngayon..ung Twitter at saka 'yong Facebook. Tsss di naman ako marunong diyan at saka wala rin naman akong computer. Ayoko ngang pumunta sa computer shop! Ang iingay nila do'n!
Eh paano kung hindi nga ako mahilig sa Internet, but suddenly, I now have the chance to surf the Internet anytime I want ? At nang maadik ako sa Facebook, nakakakilala ako ng iba't ibang klase ng tao na hindi ko pa nakikita o nakikilala kahit minsan...
Ang dahilan para mapabulalas ako ng...
"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you ?!"
Gusto mo na ba akong makilala? :)
"Later Babe.. *wink*" :)
********************
Pat
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.