Christine's POV:
Unang araw ng klase pero pinasabak na agad kami sa pagkakabisa ng mga parte ng computer at kung ano ang functions ng mga iyon. Ang alam ko lang naman sa computer ay ang pagbukas at pagpatay no’n. At saka kung pa’no pala mag-facebook at google.
Hindi ko na nga na-enjoy ang bakasyon ko, ganito pa ang ipapagawa sa amin. Alam ko na ang magiging grade ko dito. Tsk tsk.
Nasubukan ko na nga gamitin ang computer sa computer lab sa school kanina. At takte lang, hindi ako makasunod sa itinuturo ni sir. Ang ending tuloy e nandito ako ngayon sa computer shop malapit sa school namin para pag-aralan ang mga iyon.
Naisipan ko na buksan na din ang fb account ko habang nando’n pa ako. Bumungad sa akin ang isang message from Migz Danio.
Pilit kong inaalala kung sino siya until it hits my light bulb.
Siya ‘yong in-accept ko kahit wala kaming kahit isa na mutual friend.
Natawa ako nang mabasa ko ang message niya. It goes like this…
Migz Danio: Thanks sa add. Ang cute mo naman.
Gusto ko sanang magreply ng ‘I know, right?’, kaso ‘wag na lang.
Christine Chua: You’re welcome.
Napansin ko na marami na pala siyang message para sa akin kaso hindi naman ako masyadong nagbubukas ng fb kaya natambakan na ako ng mga messages, notifications, at friend requests.
I decided to immediately logout from my account nang may nagawa na naman ako.
Why am I so stupid? Alam ko naman na hindi siya magrereply pero patuloy pa rin ako sa pagsesend ng messages sa kaniya.
Nakapagpost tuloy ako kanina. Nagkataon pang online si Kimmy. Alam niyo na kung anong mangyayari.
Christine Chua:
I see myself…with you.
Kimmy Reyes: with Max.
Christine Chua: Hindi ‘no.
********************
Pat
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Novela Juvenil"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.