FF 5

339 8 2
                                    

Inilipat ko na lang ulit yung page...

Then....

Shit !

Gusto kong umiyak !

Nakita ko na naman siya >.<

Bakit ba ang tanga tanga ko at naisipan ko talaga na ilagay yung picture niya dito ?

Ang adik kasi ng mga kaibigan ko. Talagang pinicturan siya ng mga ito. Ang adik niya rin kasi ngumiti rin naman siya !

At ako naman si gaga...

"Kyaaaaaaaah !!! Pa-bluetooth !!!!!!!" >////<

"Haaaaaayyy..." napabuntong-hininga nalang ako.

"Max Pissanti....ano bang nagustuhan ko sayo at nagkakaganto ako ?? I'm really hopeless." 

Ano bang meron ka at halos mabaliw ako sayo ??

"Close ba tayo ???"

Hahaha. Gusto kong matawa sa tanong ko.

Ano nga ba namang klaseng tanong yan ??

A stupid question, indeed.

Sino nga ba namang taong nasa matinong pag-iisip ang mag tatanong sa minamahal niya ng.."Close ba tayo ??"

Pero ang totoo, konektado ang tanong iyan sa tanong ko sa sarili ko kung bakit ko minamahal si Max.

Akala mo isa lang itong pang-asar na tanong, pero ang sarap lang laging itanong sa sarili ko kung close ba talaga kami para mahalin ko siya nang sobra-sobra.

Alam niyo ba yung feeling na hindi naman kayo madalas mag-usap pero parang nagkakaroon kayo ng communication sa pamamagitan ng titig at ngiti ??

Hindi niyo naman ata ako naiintindihan ! 

Wala naman atang nakakaintindi sa nararamdaman ko bukod sa bestfriend ko. 

Ang saklap lang !!

Ang hirap ng sitwasyon na nararanasan ko !!

Napaka-uncommon kasi nito !! 

Teka !!

Saan ba nagsimula ang kahibangan kong ito ??

*isip* * isip*

Waaaaaaaahhh ang hirap tandaan !!

*isip ulit*

Ahhh...nung araw na kailangan namin magpakilala isa't isa sa harapan ng klase sa English subject namin. 

Ngumiti kasi siya, tapos ayun na BOOOOOOOOM !! Nagsimula na ang katangahan ko !

Hindi ko naman mahanap sa dictionary, google, wattpad, o kahit saan man kung paano ko malalagpasan itong napakahirap na sitwasyon na ito !!

Kaya ito ako ngayon...go with the flow na lang. Nagpapakatanga na lang. 

I guess, ganun naman talaga kapag nagmamahal ka eh. Wala kang ibang alam gawin kundi magpakatanga, magbulag-bulagan.

Taena naman kasi ng mga kaibigan at kaklase ko noon !! >.<

Gawa sila nang gawa ng paraan para mapalapit kami ni Max sa isa't isa, pero kanino lang ba umepekto yung mga plano nila ?

Sa akin lang naman di ba ?! Sa akin lang !

Ang saklap talaga !! T.T

Wala naman akong mapagkwentuhan tungkol sa mga bagay na ganito. Wala naman kasing maniniwala at makakaintindi sakin. 

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon