Oh bakla ! I told you... ;) Christine is the name, yours too :p
********************
Christine's POV:
"Iiiiiiihhhhh.....ga'wan na kc kita!"
"Ayoko nga! 'Di ko naman ma-oopen yan 'no. Wala naman akong computer e. At saka mas gusto ko pa nga yung Friendster!"
Tsk! Bakit ba ang kulit nitong kaibigan ko? Sinabi na ngang ayoko eh! Kulit!
Oo. Ayoko talagang gumawa ng Facebook account. Eh para saan pa?! Eh yung Friendster ko nga hindi ko na nabubuksan. Wala akong sariling computer at ayokong pumunta ng computer shop kasi ang gugulo ng ibang customer do'n lalo na yung mga naglalaro ng dota! Ang iingay! Puro sigawan! Tsk.
Okay lang sakin dati pumunta do'n kasi nakakasama ko yung bestfriend ko pero ngayon hindi na. Hindi na kasi kami magkaklase ngayong third year highschool.
At oo. Mas boto ako sa Friendster kasi pwede lagyan ng background at music yung profile mo. Papalit-palit nga ako ng background do'n eh. Ang cute kasi (*/^\*)
"'Di na uso 'yon! Sige na kasiiiiii...ako na rin magbubukas kung gusto mo. Mas maganda kaya yun ! Pwede ka mag-upload ng pictures mo at saka pwede ka din makipagchat do'n!"
"Ciaraaaaaaaa! Can you please stop bugging me about that stupid idea of yours?! Ayoko talaga! And that's final!"
Saan ba pinaglihi tong kaibigan ko ?! Masyadong makulit !
Alam kong cute ako. I'm Christine Chua. Duuuuh! Bukod sa cute na, talented pa. Psssh! Angal kayo? Kutos you like?! Tss! Kaya hindi ko kailangan ang Facebook para lang ipangalandakan ang aking byutipul fes! Ay hindi, cute lang pala. Ayokong sabihing maganda ako. Gusto ko sa inyo manggaling yun. Bwahahahaha >:D
"Tsss! Magfo-fourth year na tayo oh! Baka di na tayo magkaklase sa pasukan," pagtatampo ni Ciara.
"Shut up!" 'yon lang ang naging sagot ko sa pagtatampo niya. Tsss ang kulit kasi. Makauwi na nga!
********************
Ohhhh yeeeeeeeeeaaaaah! Nasa bahay na rin sa wakas, beybeh! Pahinga mode. Bwehehehe :D
Oo pahinga talaga. Walang linis-linis. Hindi naman ako kumikilos dito sa bahay eh. Hahaha.
Teka! Punta ako kela mommy. Baka may pagkain do'n. Haha.
Si mommy....'di ko talaga siya totoong nanay. Ewan ko pero nasanay akong tawagin siyang mommy. She's my tita. Diyan lang sila nakatira sa tabi ng bahay namin.
*lakad* *lakad* *lakad*
Okaaaay. I'm here na.
Pumasok na ako sa loob.
Wait.
Nandito pala si ate Chella. Anak siya ng isa ko pang tita.
Oh! Nag-Iinternet pala siya sa laptop ni mommy.
"Ate Chella!" sigaw ko.
"Oh? Ginulat mo naman ako! Naghahanap ka na naman ng pagkain?" tanong niya.
"Grabe ka naman, ate Chella! 'Pag pumunta ako dito, pagkain agad ang hanap?! Hmp! Pasalamat ka at tama ang hula mo. May pagkain ba sila mommy diyan?" tanong ko habang tinitignan yung ginagawa niya. Hmmm...nagfe-Facebook lang naman siya. Ano bang meron diyan?! Haay whatever! w(-_-)w
"Punta ka do'n sa kusina. Nando'n si mommy." Yes, you heard it right. Mommy din ang tawag niya sa tita namin. Kaming dalawa lang sa magpipinsan ang tumatawag ng mommy sa tita namin na iyan bukod sa mga anak niya.
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.