FF 22

196 3 1
                                    

I texted my friends.  Sabado kasi ngayon at gusto kong magpunta sa mall.

Sunud-sunod ang reply nila after I texted them.  Hindi raw sila makakasama dahil gumagawa pa sila ng project.  Sad.  Tapos ko na kasing gawin yung project ko.  Deadline na sa Monday ng mga projects na pinapagawa sa amin dahil malapit na ang Christmas break.

I reach for my laptop.  Mabuti na lang may Internet ako ngayon kaya may mapaglilibangan ako.

Nanuod na lang muna ako ng movie sa Youtube, yung Speedy Scandal.

'Wag niyo akong husgahan.  Hindi 'yan porn.

Nakaheadset ako para walang kahit anong ingay ang makadistract sa panunuod ko, until I heard a popping sound.

It was from Facebook.  Hinayaan ko lang kasi na nakabukas yung account ko habang nanunuod ako ng movie.

Tinignan ko kung anong nangyayari sa Facebook ko.  Then I noticed the chatbox.  May nag-message sa akin, si Martin Pissanti. (Pic on the side)

Oh.

I checked my notifications.  At doon ko nga nalaman na in-accept na pala ako ng kapatid ni Max.  Kung kapatid nga siya.  Because I haven't heard anything about him.

Binasa ko ang message niya.

Martin Pissanti:  Hi po.

Martin Pissanti:  Yoohoo..anybody there?

Christine Chua:  Hi.

Martin Pissanti:  Hay salamat.

Christine Chua:  Ha?

Martin Pissanti:  Nagreply ka na rin sa wakas :)

Christine Chua:  Hehe. Pasensya na.  Ngayon ko lang kasi nabasa ang message mo.

Martin Pissanti:  Okay lang.  Hehe.  Classmate ka ni Max?

Christine Chua:  Noong second year higschool lang.  Kapatid or kamag-anak ka ba ni Max?

Martin Pissanti:  Actually, kapatid niya ako.

I knew it.  Bakit never siyang naikwento ni Mila sa akin?

Martin Pissanti:  Hey.

Martin Pissanti:  Saan ka nakatira?

Christine Chua:  Sa Taguig.

Martin Pissanti:  Pwede ko bang makuha number mo?

Iyan  na nga ba ang sinasabi ko e.  Nakakita lang ng maganda, number agad ang hanap.  Chos!

Christine Chua:  Number saan?  Sa class record o sa listahan ng pinakamagagandang babae sa buong mundo?

Martin Pissanti:  Haha.  Ang cute mo naman.  Siyempre yung cellphone number mo.

Maganda kasi ako. Kainis naman!

Christine Chua:  Harmless ka ba?

Kasi ayoko na ulit masaktan.  Lol.

Martin Pissanti:  Oo naman.  Tanungin mo pa si Max.

Gago.  E di mas lalo akong di nakamove-on.

Martin Pissanti:  Di naman ako nangangagat.  Unless you want me to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon