Christine's POV:
I opened my Facebook account tapos eto ang bumungad sa akin.
Ate Chella > Christine Chua
Thine parang model lang ahhh...wahahahahaa
Comments:
Yannie Chua: yuck panget nga eh.. bwahahaha
Christine Chua: bakit pinagtutulungan niyo ako ????????!!!!
Christine Chua: haha
Ate Chella: whahahaha..
Ang aadik nila. I just log-out from my account, then I'm ready for school.
"Happy Birthdaaaaaaaaay !!" masayang bati sa akin ni Kimmy nang makarating ako sa classroom namin. Hmmm yeah..birthday ko nga pala.
"Thanks !" sagot ko naman.
"Saan ang handaan?"
"Waley."
"Ngek. Akala ko pa naman makakakain na ako ng isang kalderong kanin. Wala talagang celebration ng birthday mo ? Nakakalungkot naman !" sabi niya habang nakapangalumbaba.
Since wala naman talagang handaan sa bahay, mag-iisip muna ako ng pwedeng puntahan.
Saan kaya pwede ? Yung tipong magiging masaya kami kahit sandali lang. May klase pa kasi kami hanggang 4pm. Eh hindi naman pwedeng magpagabi itong loka-lokang ito kaya sandali lang kami makakapagcelebrate ng birthday ko.
Hmmmm.. Ayyy oo nga pala ! I know a place na laging heaven para sa amin. Hahahahaha.
"Kimmy ! Tara mall tayo mamaya !"
"Ano namang gagawin natin dun ?" tanong niya nang nakapangalumbaba at nakasimangot parin.
"Edi maggagala ! Dun na lang ako magcecelebrate ng birthday ko since wala namang handa sa bahay. At saka girl...hindi pa natin nasisimulan ang POGI-HUNTING natin !"
"Ayy oo nga pala noh ! Sige sige go ako diyan ! Pero paano nga pala yan ? May klase pa tayo 'til 4pm. Di ako pwede magpagabi."
"Edi after class na lang. Ano ka ba ! Minsan ka lang naman magpapagabi noh ! Sulitin na natin !"
"Sige na nga ! Basta mamaya dapat mag-enjoy tayo ha ! Dapat sulit ang pag-uwi ko ng gabi !"
"Suuuuuuuure. Gagawin natin lahat para mag-enjoy tayo !"
"I'm eggzooooooited !" sabi niya habang pumapalakpak at nagtatatalon pa. Baliw.
*****
Last subject na namin ngayon. T.L.E.
Nagpapagawa si sir sa amin ng cone na gawa sa folder.
Nagbigay lang siya ng measurements tapos kami na ang bahala.
Ano ba yan ! Birthday na birthday ko , pinahihirapan ako ! Mahina pa naman ako sa ganitong bagay.
Baka matagalan ako. Mapurnada pa yung lakad namin ni Kimmy.
Nagsimula na akong sukatin yung folder. Kailangan matapos ako agad para maaga kami makauwi.
"Class, dapat tama yung pagsukat niyo ha. Dahil kung hindi, hindi niyo mabubuo yan." sabi pa ni sir.
Langya. Pahirapan toh ah !
'Ikaw na lang sir ang gumawa !'
Pero syempre hindi pwede yun kaya ipinagpatuloy ko ang paggawa.
"Kimmy bilisan lang natin ha. Para maaga tayo makaalis." sabi ko sa kaniya. Katabi ko lang naman siya eh.
"Oo sige. Pero takte talaga ! Hindi ko makuha yung tamang sukat ! Ayy leche ! Thine may lapis ka pa ba ?"
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.