Nandito ako sa school ngayon. Kuhaan kasi ng card. Nakakainis lang kasi kailangan pa muna makumpleto ang pirma ng mga teachers namin sa clearance bago nila maibigay ang card namin. Kapag minamalas ka nga naman oh! E kailangan ko nang pumunta ng JLU ngayon dahil pasahan na ng requirements. Kapag hindi ako nakapunta ngayon, goodbye JLU na ang peg ko.
Anak ng tipaklong na tinamaan ng kulugo naman oh!
Nakakainis talaga ang mga teachers namin. Pa-importante! Baka sakali lang naman na maisip nila na kailangang-kailangan na namin ‘yong card namin. Baka sakali lang naman.
Pabalik-balik na nga kami ni mama sa adviser ko para lang pakiusapan ito na ibigay na ang card ko.
“Ma’am, sige na po. Kailangan na po kasi naming umalis dala ‘yang card. Iyan na lang po kasi ang kulang ko. Kapag po kasi hindi kami nakaalis agad ngayon, baka po hindi ako makakuha ng slot sa JLU.” Nagmamakaawa na ako. Mahabag ka naman, Ma’am! “Please…”
“Sige na nga!” Sa wakas ay pumayag na rin ito. Iniabot nito sa akin ang card ko. “Oh…good luck. Ako na ang bahala sa clearance mo,” sabi nito at saka ito ngumiti sa akin.
“Thank you po! Thank you po talaga, Ma’am!” nagtatatalon pa ako sa tuwa.
Pagkatapos no’n ay dali-dali na kaming nagbyahe ni mama.
11:30 na kami nakarating sa JLU. Ang dami nang tao. Mukhang mahirap ang pagdadaanan ko bago ako tuluyang makapasok dito.
“Mama, doon tayo…” yaya ko sa kaniya papunta sa building na kulay puti. “…mukhang doon ang pilahan.”
“Pumila ka na diyan,” sabi ni mama sa akin nang makarating kami doon.
May napansin akong estante na parang board malapit sa Registrar’s Office na dapat ay pinipilahan ko na ngayon. May nakadikit dito na mga papel kung saan nakalagay ang required grades para makapasok ka sa kurso na gusto mo.
Binasa ko ‘yong sa Accounting, iyon kasi ang first choice ko.
90 ang kailangan na grade ko para sa Math, Science, and English.
Nakakapanlumo.
Eh wala naman akong grade na umabot ng 90!
Punyenye.
May ibang course naman na kaya ng grades ko. Pero hindi ko gusto.
“Ma! Pa’no ‘yan? Ayoko naman sa ibang course.”
“Mamili ka na lang diyan. Kesa naman do’n ka mag-aral sa katabi ng school mo dati. Sige na, tapos pumila ka na do’n,” turo niya sa Registrar’s Office.
“Tsk. Naman e!” Wala na akong nagawa. Naghanap na lang ako ng course na feeling ko kaya ko.
Nang makapili na ako ng course na gusto ko, pumila na ako sa tapat ng Registrar’s Office. Habang nakapila ay may mga nakakausap ako na mga estudyante. Syempre may tanungan portion about sa grades. Takte. Napasubo ata ako sa school na ‘to ah. Pakiremind nga sa’kin kung pa’no ako nakapasa dito. Ang layo ng grades nila sa’kin.
Ako na pala ang susunod. Hindi ko napansin dahil sa pakikipagchikahan ko. Ang daldal ko kasi. Kainis. Ang baba naman ng grades!
“Anong course?” tanong ng babaeng nagmula sa loob ng office.
“Applied Math po,” sagot ko dito. Oh! ‘Wag kayong tatawa. Kaya ko ang Math. ‘Wag kayong ano diyan! ‘Di ko naman kayo inaano.
May tinignan ito sa papel na hawak niya. Listahan siguro. Pero ‘di ko alam kung para saan.
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Genç Kurgu"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.