FF 11

212 7 2
                                    

Bebe girl pasensya na halos magttwo months di nkapag update XDDD

********************

Shet ! Late na naman ako !

6 am ang first class namin, at heto ako ngayo't hingal na hingal sa pagtakbo paakyat sa room namin because it's already 6:25 in the morning ! Shet na malagkit ! Sana papasukin pa ako !

At nang makarating ako sa tapat ng room namin..bukas na bukas ang pinto at WALANG TEACHER !

Putakteng yan ! Matapos kong pagpawisan wala pa naman pala si Ma'am?!

Dumiretso na ako ng upuan ko para makapagpahinga na. Napagod ako eh.

"Hooooooy bakit late ka na naman ????" si Kimmy pala.

"Eh kasi naramdaman ko na wala pa naman si Ma'am." seriously, kung pwede lang talagang makaramdam para hindi ako napapagod nang ganito. Yung pawis ko pwede nang ibenta sa talipapa, pambabad sa mga isda. Eeww.

"Thine ! Ang taray ng picture mo ah !" sabi ng isa kong kaklase.

"Huh??" ano daw?

"Christine !" tawag sa akin nung isa ko pang kaklase kaya naman nilingon ko siya. "Pose pa !" sabi niya.

"Eh?" o.O yung totoo..di ko talaga ma-gets yung sinasabi nila.

"Nice Thine ! Sexy !" sabi naman ni Anne.

"He-he?" yun na lang nasabi ko. Wala talaga akong kaalam-alam. Ano ba talaga yun? Binaling ko ang tingin ko kay Kimmy, na hindi ko agad napansin na kanina pa pala tawa nang tawa. "Ano ba yung pinagsasasabi nila?" tanong ko sa kaniya.

"Hahaha. E di ba wala akong gift sayo nung birthday mo? Ngayon meron na. Nasa Facebook nga lang. Check mo na lang mamaya."

"Ano ba yan ! Pati ba naman gift mo sa akin, kailangan nasa Internet pa? At saka ilang linggo na ang nakalipas ngayon ka lang magbibigay ng gift. Ewan sayo ! Sige dadaan na lang ako saglit mamaya sa computer shop."

"Ang arte mo! Buti nga naglaan ako ng oras para magregalo sayo. Ang swerte mo nga eh...kasi reregaluhan kita. Bleh!" sabi niya sabay labas ng dila. Parang bata. Nasabi ko na lang sa isip ko.

"Ewan ko sayo ! Bumalik ka na lang sa upuan mo." sabi ko sa kaniya dahil hindi naman siya dapat dito nakaupo.

"K. Payn!"

***

"Tara Thine bili muna tayo ng pagkain sa canteen." sabi ni Kimmy.

"Nandyan na si Ma'am Lim oh." sabi ko naman. Last subject na rin naman namin itong Filipino bago mag-breaktime.

"Okay lang yan. Di tayo mapapansin niyan. Para may nilalamon tayo habang nagdidiscuss si Ma'am!"

"Oh sige na nga! Tara na!" pagpayag ko. Yumuko kami palabas ng room. Kulang na lang gumapang kami palabas. Nang makalabas na kami, saka lang namin napansin na marami rin palang may planong ganito.

"Oh san kayo pupunta?" tanong ko sa iba kong mga kaklase.

"Bibili pagkain." sabi naman ng mga kaklase namin.

Nang makabili na kami ng pagkain, bumalik na rin kami sa room. Gumapang kami papasok. Nauna kami ni Kimmy pero nakayuko parin kami dahil baka makita kami. Nang makapasok na kami, biglang kumalabog yung pinto.

Ay tanga! Isinara pala ng isa kong kaklase.

"Saan kayo galing?" si Ma'am Lim. Lagot!

"Sa canteen po Ma'am. Bumili lang ng pagkain." sagot naman ni Kimmy.

"At bakit hindi kayo nagpaalam? At saka pagkatapos nitong subject natin, breaktime niyo na naman ah. Bakit di niyo nalang hinintay matapos ang subject natin?"

"Eh kasi Ma'am gutom na gutom na po kami eh." nag-acting actingan ako. Hahaha.

"Ay ewan ko sa inyo! Magsiupo na nga kayo sa pwesto niyo!" pagsuko ni Ma'am. Yeeeeeees \(*o*)/ Hahaha.

***

"Thine samahan mo ako mag C.R!" si Kimmy.

"Ano ba yan ! Kailangan mo pa ba ng tagahubad?!" sabi ko.

"Gaga ! Sige na sumama ka na! Dadaan tayo sa room nila Max!"

"Tara na nga!" hahaha xD

Oy ha! Breaktime na namin kaya okay lang na lumabas kami ng room. Di na kami gagapang. Hahahahaha.

Nang matapos na si Kimmy magC.R, pumunta na kami sa tapat ng room nila Max. Tinawag niya yung mga kaibigan niya doon.

"Balita?" tanong ni Kimmy sa kanila.

"Ay nako girl! Lagi nilang ipinapartner si Kim kay Max!" sabi nila. Si Kim nga pala ay naging kaklase ko nung first year ako. Dapak lang di ba?! Halos kapangalan pa ni Kimmy. Nakakaleche! Sa sobrang bwisit na nararamdaman ko, nauna na ako kay Kimmy at bumalik na agad ako sa room. Leche talaga !

***

"Una na ako Kimmy! Dadaan pa ako ng computer shop para makita ko na yang sinasabi mong gift mo sa akin. Bye!" sabay nagmamadaling umalis ako.

Habang nasa jeep ako, nakita ko si Max na naglalakad pauwi. Nagkatitigan kami. Nagsusukatan ng tingin. Di ko kinaya kaya ako na mismo ang bumawi ng tingin ko. Tumalikod na lang ako sa kaniya.

"Ate 1 hour nga." sabi ko nang makarating na ako ng computer shop.

"Sa number 8 na lang. Galawin mo na lang yung mouse tapos bubukas na yun." sabi naman niya.

Pumunta na ako sa computer 8 at nagsimula na akong magbukas ng Fb account ko. Nang mabuksan ko na, sangkatutak na notifications ang bumungad sa akin. Hinanap ko naman yung sinasabi ni Kimmy, at Booooooom ! Ampotek ! Langya talaga yun si Kimmy ! De pots !

Ni-tag niya pala sa mga classmates namin yung picture ko na in-upload ko sa Fb. Ang itsura ko dun sa picture na yun ay naka-pose na pang model sa kwarto ko. Ako mismo ang kumuha nun. Paano ako nagkaroon ng picture na ganun? Simple lang. Nakatimer yun. Hahaha. Oy ha ! Ang hirap isakto nung camera ko sa kinatatayuan ko. Hahaha.

Siyempre pa nilike at nagcomment ang mga classmates namin. Kaya pala nila ako sinasabihan ng sexy dahil sa pose ko sa picture. Mga adik!

Binasa ko naman yung mga comments nila.

May nabasa ako na 'angas', 'nice Thine', 'sino kumuha nyan?', 'pang-FHM', at yung 'sana ikaw na lang ang pumalit kay Katrina Halili'.

Tangina.

Hahaha. Oy baka isipin niyo nakahubad ako dun ha! HINDI PO. Shorts at simpleng damit ang suot ko dun.

Pagkatapos kong replyan yung mga bwisit kong kaklase, naisip ko bigla na puntahan ang profile ni Max.

Nagkamali ata ako dahil ikaiinis ko lang ang nakita ko. Nagpost sa wall niya ang isa niyang kaklase ng picture niya katabi si Kim. Nainis naman ako sa itsura ni Kim dun dahil halata naman na siya lang ang natutuwa sa pagkuha sa kanila ng picture. I bet siya ang lumapit kay Max para magpapicture.

Sa inis ko, binalikan ko na lang ang profile ko at nagpost ng status.

Christine Chua

"BITTERNESS makes you TOUGH, but being BETTER makes you on TOP !"

Then I click log out !

••••••••••••••••••••

A/N:  Hellooooooooooo :">

Any suggestions? Violent reactions? Subtraction? Addition? Multiplication? Division?

Hahaha.

Walang matinong plot ito. Pasensya T.T

Comment and Vote :">

Lab yah :***

***Pat***

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon